Dalawang taon na ang lumipas, ang bansang America ay nawalan ng isang maituturing ko na namumukod-tanging lingkod ng Diyos na seryosong nangaral patungkol sa katuwiran ng Diyos at pagpapaunawa ng kalagayan ng huling kapanahunan lalo na sa pag-aabang sa pagbabalik ng Panginoong Hesus. Abril 11, 2011 nang siya ay umuwi na sa Kanyang pinakaaabangang Manunubos. Nais kong itampok ang ilan sa kanyang mga lathalain patungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesus.
(ni David Wilkerson)
Naniniwala ako na malapit nang dumating si Jesus. Nakikita natin ang mga bansa ay nagtitipon laban sa Israel. Ang mga pangyayari ay mabilis na patungo sa Armageddon.
“Kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang pagdating ng Anak ng Tao, talagang malapit na” (Mateo 24:33).
“Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito” (t. 36).
Ang lahat ng senyales ay nakatutok sa digmaan sa Gitnang Silangan laban sa bansang Israel. Mula sa mga kaguluhan sa mga bansang Arabo ay magkakaisa ang mga ito para puksain ang Israel. Tayo ay nakamasid sa katuparan ng mga hula na ating ipinangaral sa maraming taon na.
Yaong mga nakakaalam ng Kasulatan ay mayroong panloob na kamulatan ng Espiritu Santo sa pagababalik ng Panginoon. Naririnig ang pagtawag ng Espiritu Santo na namamahay sa atin na, dumadaing, “Panginoong Jesus, bumalik ka na.” sinabi ni Jesus.
“Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon” (t. 42).
“Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman” (t. 44).
“Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang Panginoon” (t. 46).
Mga minamahal, nadarama ba ninyo—namamalayan ba ninyo—na ito na ang mga huling araw? Nakikibahagi ba kayo pananabik sa kanyang pagbabalik?
Tumingin sa itaas; ang ating katubusan ay nalalapit na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento