Nais ko lang linawin na kapag nababanggit ang muling pagbabalik ng Panginoong Hesus ay hindi ito nangangahulugan ng katapusan ng mundo.(2Pedro3:12) Totoong tinakda ng Salita ng Diyos na talagang may nakatatakdang pag-gunaw ang mundo ngunit ayon sa pagkakaunawa ko sa Bibliya, ito ay matagal pa. Ang tinititiyak ko ay talagang anumang oras ay maaari nang maganap ang pagbabalik ni Hesus, ito yung tinatawag na "rapture" ng nakararaming mananampalataya. Detalyado ang Bibliya sa pagbibigay palatandaan kung kelan malapit na ang pagbabalik ni HESUS. Walang babala o tagubilin ang Bibliya na dapat paghandaan ang magaganap na pag-gunaw, ngunit napakaraming tagubilin ang Bibliya na maging handa, magbantay sa pagbabalik ni Hesus.(ITesalonica5:1-11). Ang Panginoong Hesus mismo ang mahigpit na nagbilin: "Kaya't maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan!". Bakit kinakailangang maghanda? Ang pangakong pagbabalik ng Panginoong Hesus ay ang pagkakaloob ng ganap na kaligtasan sa mga nabubuhay na mananampalataya upang ihatid sa Kanyang kaharian upang iadya sa matinding kaparusahang daranasin ng mundong ito sa kamay ng Anti-kristo kasabay ang matinding ngitngit ng Diyos sa mga taong bumalewala sa inialok niyang kaligtasan. Samakatuwid ang "rapture" o pagbabalik ni Hesus ay katapusan ng pag-asang maligtas ang tao. May limit din naman ang paakakataong ibinibigy sa tao upang magsisi at ayusin ang sarili sa harapan ng Diyos na papaparating. Nabanggit ko na halos 99% nang nagaganap ang mga pahiwatig sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoon. Siyasatin niyo ang mga talata sa Mateo24:1-21, Marcos13:3-13, Lucas21:7-19, 2Tim3:1-6 at marami pang iba. Itanong natin sa mga nakakatanda sa atin kung ang madalas nating nababalita sa pandaigdigang pamamahayag ay nagaganap noong kapanahunan nila. Tiyak ang sasabihin nila, "Ngayon lang nangyayari ang mga ganito!" Gusto kong idetalye ang mga palatandaang ito sa mga susunod na araw. Tingnan muna natin ang ilang mga larawang ito. Masasabi kong masayadong delikado kung aakalain ng isang mananampalataya na matagal pang darating ang Panginoong Hesus. Hindi ba pamaya-maya na lang natin nabalitaan ang mga pangyayaring ito?
(Paki-klik ng larawan para makita ang aktuwal na laki)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento