Lunes, Nobyembre 11, 2013

Sunod-sunod na Kalamidad, Ano ang Mensahe?

    

    Nagiging karaniwang laman ng mga balita ang sunod-sunod na malalagim na balita patungkol sa iba't-ibang kalamidad na nagaganap sa lahat ng panig ng mundo. Madalas, ay natatabunan ang naunang balita ng kapapasok na bagong balita patungkol sa kalamidad. Di pa gaanong natatagalan, daan-daan ang namatay sa lindol na naganap sa Pakistan, kaagad itong natabunan ng mga sumunod na kaganapan tulad ng malaganap na sunog ng kagubatan, panibagong lindol, mga giyera at labanan. Hindi pa nga ganap na nasasaklolohan ang mga biktima ng lindol sa Bohol, mga biktima naman ng bagyong yolanda sa Tacloban, Leyte ang pinag-uukulan ng saklolo ngayon. 

   Bakit ganito na ang mga nagaganap? Ano ang maliwanag na mensahe ng mga ito? Nagbubulay-bulay ako, at sinaliksik ang Salita kasabay ang mataimtim na pagsamo sa Diyos. Dalawang (2) dahilan agad ang nasagap ko:

1)Hinog na ang Panahon!

   Malinaw na inihayag ng Bibliya ang maraming tanda ng pagbabalik ng Panginoon, kasama na ang mga kalamidad. (Mateo24:7) Ang sabi nga ng 2Timoteo3:1, "Mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw!" Markahan natin ang sinabi ng Panginoong Hesus sa Mateo24:8, "Ang mga ito ay pasimula pa lang ng kahirapan!" Bakit nga ba "pasimula"? Kung pasimula, ibig sabihin meron darating na pinakamatindi! Samakatuwid, kung ang napakalakas na ulan ay nagpapasimula muna sa ambon at ang pagsiklab ng dambuhalang sunog, ay nagpapasimula muna ang usok, ang mga kalamidad na nagaganap ngayon ay mga 'ambon' at 'usok' pa lang sa matinding mangyayari na talaga namang kagimbal-gimbal, sapagkat si Hesus mismo ang nagsabi na magaganap ang matinding kapighatian sa daigdig na walang katulad (DELUBYO) at hindi pa nagaganap sa nakalipas! (Mateo24:21) Hindi ba natin napapansin ang ipinahahayag ng mga nakakatanda sa mga nangyayari ngayon? "Hindi naman ito dating ganito sa amin. Ngayon lang nangyayari ito!" Nakakahilakbot ang mga resulta ng kalamidad na ipinapakita sa telebisyon! Mga bangkay na nagkalat, mga nagmamakaawang nasalanta, mga gutom na sumasalakay sa mga tindahan upang agawin ang hindi kanila! Ngunit ang mga ito ay mga banayad na eksena pa lamang kung ikukumpara sa kagimbal-gimbal na magaganap. Mainam pa ngayon sapagkat may mga rescue team pa. May mga ahensiya pa na nag-aabot ng tulong o donasyon. Meron pang namamahala upang ilibing ang mga bangkay! Ang mga mapepera, aristokrata at mga tuso ay hindi pa apektado! Ngunit kapag naganap na ang ipinauna ng Bibliya sa Jeremias 30:7, Daniel 12:1 at ang sinabi mismo ng Panginoon sa Mateo 24:8, wala nang maglilibing sa libo-libong bangkay na maghahambalang hanggang sa mamaho, ang mga glamorosong mayayaman ay mapipilitang kumain ng bulok o tangkilin ang kanibalismo! 

     Sinasabi ng Bibliya ito ay sa loob ng pitong(7) taon! Ngunit ang napakagandang katotohanan ng Bibliya, bago magpasimula ang 7 taong walang katulad na kapighatian, susunduin muna ng Panginoong Hesus ang mga banal upang huwag sapitin ang malagim na kapighatian!(Pahayag 3:10)
   Kaya nga sinabi ng Panginoong Hesus, sa Lucas 21:28 "Kapag nakikita ninyo na nagagaganap na ang mga ito ('ambon' at 'usok') kayo'y magalak sapagkat nalalapit na ang pagliligtas sa inyo!(Ang pangakong pagsundo ni Hesus sa mga mananampalataya.) Ang mga tumanggap kay Hesus at nagsipagsuko ng buhay sa Kanya ay hindi na nakatakda sa kaparusahan kundi sa pagliligtas! (1 Tesalonica 5:9)


2)Panawagan para sa Taos-pusong Pagsisisi

    May mga nasasagap akong isyu na kaya daw sunod-sunod ang dagok sa bisaya sapagkat marami sa kanila ay mga 'aswang', 'mangkukulam', kulto at mga kilabot na kriminal! Ang sabi pa ng isang mapag-obserba, maraming nahuhuling sindikato ay mga 'bisaya' DAW! Isang indikasyon nito na bagamat maraming napabalitang kalamidad sa iba't-ibang panig ng Pilipinas ay tanging sa bisaya naipakita ang marahas na pagsalakay sa mga tindahan upang nakawin ang mga paninda at groseriya. Maaari itong pasubalian, mahirap gumawa ng konklusyon sa kaisipang ito lalo pa na ayaw ng Diyos ang maging mapanghusga. May kaugnay na tagpo sa Bibliya na natalakay na ang masasama ay talagang may nakalaang dagok o parusa at mayroong mahalagang mensahe ang Panginoong Hesus! Pagtuuan natin ang tagpo sa Lucas 13:1-5. Lumaganap sa Israel ang nakakabiglang balita patungkol sa mga ilang namatay! Malinaw ang naging mensahe ng Panginoong Hesus- "Huwag ninyong akalain na higit silang makasalanan kaysa sa inyo kaya't sinapit nila ang gayong trahedya...(Lucas13:5) NGUNIT SINASABI KO SA INYO; KAPAG HINDI NINYO PINAGSISIHAN AT TINALIKDAN ANG INYONG MGA KASALANAN, MAPAPAHAMAK DIN KAYONG LAHAT!"         Kung ganun, hindi isyu kung sino ang mas masama sa mga bisaya, bicolano, ilocano, tagalog o muslim! Ang mahalagang mensahe sa mga trahedyang nagaganap ay- LAHAT AY MAGSISI! Unibersal na panawagan ng Diyos ay magsisi ng kanilang mga kasalanan ang lahat!(Gawa 3:19) Bagamat malawakan ang panawagan ng Diyos na ang lahat ay magsisi, may partikular na kalipunan ng tao ang inaasahan ng Diyos na talagang tumugon sa panawagan ng pagsisisi! Ang panawagang magsisi sa Lucas 13:5 ay para sa mga Hudyo (bayan ng Diyos), at suriin din nating ang panawagang magsisi sa 2 Pedro 3:9, kung bakit naaantala ang pagdating ng Panginoon, ang panawagan ay para sa mga kristiyano (bayan ng Diyos)! Malawakan ang panawagan ng pagsisisi, ngunit partikular na inaasahan ng Diyos na tumugon ay ang Kanyang bayan!!!(2Cronica7:14) Kung pagbabatayan natin ang 2 Cronica 7:14, hindi sa buong populasyon ng Pilipino nananawagan ang Diyos kundi sa Kanyang bayan, ang mga mananampalatayang Pilipino! TANGING ANG MGA TOTOONG MANANAMPALATAYA LAMANG ANG PWEDENG TUMUGON SA PANAWAGANG MAGSISI! Ang mga pagano (walang Diyos), mga nasa relihiyon/kulto at mga makasanlibutan/makalaman/makasalanan ay kailanaman hindi maaaring magsisi kahit bugbugin pa ng katakot-takot na trahedya. Kahila-hilakbot ang magaganap sa 7 taong walang katulad na kapighatian, ngunit sa kabila ng malagim na pagdurusa sinasabi ng Bibliya, hindi pa rin sila magsisisi at susumpain pa nila ang Diyos! (Pahayag 9:20-21, Pahayag 16:11, Pahayag 16:21.) Nais kung ipagdiinan, ang mga totoong mananampalataya lamang ang tutugon sa panawagan na magsisi. Kaya nga magaganap ang dapat maganap na sinabi ng Bibliya, sa huling panahon ang masama ay lalong magpapakasama, ngunit ang matuwid ay lalo pang magpapakatino-tino, magpapakabanal! (Daniel 12:10, 2Timoteo3:13 at Pahayag 22:11) Totohanang pagsisisi ang susi kung bakit ang kasintahang babae (mananampalataya) ay daratnan ng Lalaking Ikakasal (si HESUS) na nasa kalagayang walang bahid-dungis, kulubot o mantsa! Mga kapatid, sama-sama tayong magpakababa sa Panginoon, nawa'y magawa natin ang ginawa ng publikano sa Lucas 18:13! Pagsisihan natin ang ating mga kapalaluan/kataasan, pagkukunwari, pagiging makasarili, pagka-kanyakanya, pag-iimbot, pagiging makalaman /makasanlibutan, madami tayong oras na sinasayang sa telebisyon, computer, cellphone, naisasantabi natin ang pagbababad sa panalangin at pagbubulay-bulay ng salita ng Diyos. Pagsisihan natin at isuka ang pagtangkilik natin ng mga sama ng loob, galit, inggit, hinanakit, pornograpiya, kalaswaan, karahasan, kasinungalingan, pagkokompromiso sa pulitika, paninirang-puri at napakaraming pang iba. 


    O Banal na Espiritu, tulungan Mo po ang Iyong Bayan na matukoy namin ang bawat pagsalansang 
o kaliit-liitang kasalanan sa banal na Diyos... 
bigyan Mo po kami ng pusong handang magpatuwid at lubos na pagpapasakop sa Iyong kabanalan at katwiran... 
patawad po Aming Ama sa pagsasantabi namin 
sa Iyong Anak na si Hesus, 
sa paglimot namin sa aming unang pag-ibig sa Iyo...
sa pagpighati namin sa Iyong Banal na Espiritu... 
patawad aming Diyos....
mahabag Ka sa Iyong Bayan... 
sa pangalan ng aming Panginoong Hesus, 
AMEN!

Lunes, Oktubre 14, 2013

Mensaheng Hindi Popular ayon Kay Pastor Vincent


      Maituturing ko na espesyal na pagkakataon mula sa Diyos na muli Niya akong idinako sa kongregasyon kung saan makatotohanan Niya akong kinatagpo at kinalinga noong mga panahong mistula pa lang akong gumagapang na sanggol sa aking nasumpungang pananampalataya, ang ministeryo ng Jesus Reigns. Kahapon, araw ng Linggo (Oktubre 13,2013), matapos kong ihatid ang aking maybahay sa airport para sa official trip ng kanilang tanggapan, inudyukan ako ng Panginoon na muling makipanambahan sa itinuring kong mga kapamilya bagamat hindi nila ako kilala. Medyo matagal ding panahong nakasama ko sila sa  matamis at makapangyarihang presensiya ng Diyos sa dating sinehan sa dako ng Sta.Cruz,Manila ngunit walang nakakilala sa akin hanggang sa dalhin ako ng Diyos sa labas ng Metro Manila upang magbuo ng isang tahanan at ministeryo. Ibayong pagpapala ang muli kong nadama mula sa Panginoon ng muli kong makasama ang pinagpalang ministeryong ito. Pagpasok pa lang namangha na kaagad ako sa nakita kong marangyang pagpapalang iginawad ng Diyos sa ministeryong ito, sobrang malayo na sa dating sinehang pinagdadausan! Isang katotohanan ang napagtibay sa aking puso, sobrang kinagiliwan ng Diyos ang ministeryong ito. sinikap kong igala ang aking paningin sa pagbabakasakaling may makita akong pamilyar na mukha, ngunit ako ay nabigo, halos mga kabataan na lang lahat. Labis akong nagpasalamat sa Diyos, sapagkat ipinahintulot Niya na sa sandaling iyon, ang pinakapamilyar na mukha ng ministeryong iyon ang nakatakdang maghayag ng mensahe, si Pastor Vincent! 
    

     Lalong nadagdagan ang  aking pagkamangha, hindi man lang nagbago ng hitsura at pananamit ng lingkod ng Diyos sa kabila ng maraming taong hindi ko siya nasilayan! Higit sa lahat, ang puso at kapangyarihan ng Diyos ay nandoon pa rin sa kanyang paghahayag ng katotohanang ng Salita ng Diyos. Kahit noon pa man, sa tuwing ako'y nakikinig sa kanyang mensahe, wala akong magawa kundi ang mag-"amen", magpuri at pumalakpak sapagkat madalas na ang kapahayagan ni Ptr.Vincent ay kompirmasyon na lamang ng mga naunang natanggap ko sa Panginoon sa aking personal na pagbubulay-bulay ng kanyang salita! Lagi kong nasasabi sa aking sarili- talagang naririnig ni Pastor ang tinig ng Diyos at sensitibo siya sa puso at Espiritu ng Diyos! Bagamat wala akong matandaang bagong kapahayagan noong hapong yun ngunit ibayong galak at kalakasan pa rin ang aking nadama sapagkat ang pasaning nasa aking puso ay muling pinagtibay ng Diyos.  Sobrang sang-ayon ako sa sinabi ni Pastor na ang pag-hahanda o pag-aabang sa pagbabalik ng Panginoong Hesus ay mensaheng hindi popular (o kinagigiliwan) sa panahon ngayon! Totoong natatangay ang maraming mananampalataya sa sobrang materyalismo ng mundo at lalong nagagatungan ng mga mensahe mula sa mga mangangaral na hirap makarinig mula sa Banal na Espiritu. Mga mangangaral na walang tunay na pasanin sa mga tupa at hindi alam ang distinksiyon ng katuwiran at kasalanan. Mga mensaheng nag-uudyok upang ituon ang pansin at pagpapahalaga sa sarili at kapakinabangang pansamantala lamang ang hinahabol-habol. Maging maunlad, magaling, mahusay o makapangyarihan. Naniniwala akong may mga natitira pa ring matitinong mangangaral ang katulad ni Pastor Vincent na nagdadala ng dalisay na mensahe mula sa puso ng Panginoong Hesus, ngunit nariyan ang katotohanan- hindi ito makakahuli ng kiliti ng nakararami (2Timoteo4:3). Maliban na lamang sa kakaunting kabilang sa tunay na kasintahan ng Lalaking ikakasal. 

    Tama nga naman, paanong maririnig ng isang taga-dalo ng kristiyanong gawain ang "sigaw sa hatinggabi" (panawagang "andiyan na ang Lalaking ikakasal!" Mateo25:6) kung ang kamalayan niya ay nakatuon sa kapanapanabik na teleserye, mga bagong labas na gadget, mag-upload ng mga bagong litrato sa kanyang Facebook at kung ano-ano pang makasanlibutang aliw. Hindi ako nagtaka kung ang bilang ng mga mananambahan noong hapon na yun ay halos 1/4 na lang nung mga panahong lumipas noong nandun pa sa lumang sinehan, talagang marami ang manlalamig at tatalikod habang papalapit na ang pagbabalik ng Panginoong Hesus! Ako'y labis na napagpala sa buhay ni Pastor Vincent isa siya sa matibay na dahilan kung bakit sobrang nalugod ang Diyos sa ministeryong ipinagkatiwala sa kanya. Nanariwa sa akin ang matatamis na ala-ala noong bago-bago pa lang ako sa Panginoon. Sa pamamagitan ni Pastor Vincent muling umaalingawngaw ang panawagan na mahalin ng lubos-lubos ang Panginoong Hesus, limutin ang sarili, iwan ang mundo upang si Hesus na lamang ang maging lahat-lahat sa buhay ng isang naghahangad ng buhay na walang hanggan. Pinupuri ko't dinadakila ang Panginoon sapagkat may itinitira pa rin Siyang mga lingkod/mangangaral na seryosong ipinakikipagtipan ang Panginoong Hesus sa Kanyang kasintahan (2Corinto 11:2), ang mga nanampalataya! 
  


     Pakinggan natin ang hindi popular na mensahe ng mga totoong lingkod ng Diyos- Magbantay, maghanda- 
napakalapit na ng pagdating ng Lalaking ikakasal! Maranatha! (Pahayag 22:20)

Lunes, Setyembre 30, 2013

Nag-uumalab o Naghihikab?

   

   Labis akong natuwa sa artikulong ito ni Dr.David R. Reagan. Nararamdaman ko na sumasakanya rin ang puso at pulso patungkol sa Salita ng Diyos at panawagan sa kasalukuyang kapanahunan kaya nga ibabahagi ko ito sa orihinal nitong lengguwahe, total marami naman sa mga kababayan natin na bihasang umunawa sa salitang Ingles. Binanggit niya dito na ang mga naunang kristiyano ay talagang marubdub ang pagsusumamo na dumating na ang Panginoon kaya nga ang salitang "Maranatha" (Dumating Ka na Panginoon!) I Corinto 16:22 ay bukambibig ng mga banal nung kapanahunan nila

  Ngunit sa paglipas ng panahon, kasabay ng panlalalamig at pagtalikod ng marami, ang pananabik sa pagbabalik ng Panginoon ay naapektuhan. Ngunit ito ay manunumbalik sa mga totoong iniligtas kung saan ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng buhay. Napakahalagang bigyan ng pansin ang anim (6) na dahilan kung bakit dapat na marubdub na asamin ng mga totoong kristiyano ang pagbabalik ng Panginoong Hesus; at ang apat na dahilan kung bakit humihikab (hindi interesado) ang mga nagsasabing "kristiyano". Maalarma tayo sa 4 na dahilan na ito: 1)kawalan ng totoong pananampalataya  2)kamangmangan/pagka-ignorante  3)pangamba/hindi pa lubos nakipag-ayos sa Diyos at 4)pagiging makalaman/makasanlibutan. Kung susuriin ang mga kapahayagan ng Dr.Reagan, ipinahihiwatig niya na ang mga humihikab (hindi interesado) sa pagbabalik ng Panginoon ay mga pekeng mananampalataya o mga depektibong 'kristiyano'! Sa bandang huli ng kanyang artikulo ay masasabi kung talagang napagpala ako kaya eksaktong isasalin ko ang bahaging ito sa Filipino na wari ay galing na rin mismo sa aking puso:
  "Nais kong magtapos sa ikapitong (ika-7) dahilan kung bakit dapat marubdub na asamin ang pagbabalik ng Panginoon. Nais kong maging personal ang aking konklusyon kung bakit gustong-gusto ko na talagang dumating ang Panginoong Hesus. Alam ng lahat ang katotohanan na kapag mayroon kang labis na minamahal gustong-gusto mo na siyang makapiling. Kasiyahan ko na makaniig ang Panginoon sa aking pagsamba/papuring awitin, pananalangin at pagbubulay-bulay ng Kanyang salita! Ngunit ang ganitong kapamaraanan ay hindi maikukumpara kapag literal, o pisikal ko na Siyang makakapiling. Mahal ko ang Panginoon kaya't hangad kong makapiling Siya nang hayagan. Nais kong magbabad sa presensiya ng Kanyang pag-ibig at kabanalan. Nais kong makita ng mukhaan ang Kanyang kaluwalhatian. Nais kong hagkan ang kamay Niyang may bakas ng pagkakapako kasabay ng pagsambit ng "Salamat..." "Salamat sa pagbubuwis ng Iyong buhay para sa akin... sa pagpapatawad sa akin.... sa ginawang pagbabago sa akin... sa paggagabay... sa kaaliwan at pagbibigay ng buhay, kahulugan at kabuluhan. Nais kung makasali sa mga Banal at mga anghel sa pag-awit ng "Karapat-dapat ang KORDERO!" 
 M A R A N A T H A !"



Six Reasons Why All Christians Should Desire the Soon Return of Jesus
Are you yearning or yawning?
by Dr. David R. Reagan 
   As every new year dawns, I find myself earnestly yearning that it will be the year that will initiate the end time events that will lead to the Lord's return to this earth. 
The first of those events will be the Rapture of the Church. That will be followed by the Great Tribulation of seven years, a period of unparalleled horror that will culminate in the return of Jesus to reign over all the world. 
The writings of the early Church Fathers (100 to 300 A.D.) reveal that one of the earliest prayers of the Church was "Maranatha!" (1 Corinthians 16:22). That word is actually an Aramaic phrase that means "Our Lord come!" 
This prayer expresses a fact that is confirmed by many other scriptures; namely, that the First Century Church had an ardent desire for the soon return of Jesus. 
A Waning of the Zea
The Twentieth Century Church seems to have lost that desire. Most professing Christians today do not pray "Maranatha!" They do not yearn for the return of the Lord. Instead of yearning, they are yawning. 
Christendom at large is caught up in apathy regarding the return of Jesus. And that is sad, for the Word says that the return of the Lord is our "Blessed Hope" (Titus 2:13). 
Also, we are constantly admonished in Scripture to watch for the Lord's coming and to be ready. Jesus Himself said, "Be dressed in readiness, and keep your lamps alight . . . for the Son of Man is coming at an hour that you do not expect" (Luke 12:35,40). Paul exhorted Titus to live "looking for the blessed hope and the appearing of the glory of our great God and savior, Christ Jesus" (Titus 2:13). And as Paul faced death in prison, he wrote: 
I have fought the good fight, I have finished the course, I have kept the faith; in the future there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day; and not only to me, but also to all who have loved His appearing. � 2 Timothy 4:7-8 
Think of it, Paul says that a special reward � "a crown of righteousness," will be given to any person who lives his or her life loving the appearing of the Lord. 
Are you a candidate for this reward? Do you have a zealous yearning in your heart for the Lord's soon return? Do you pray daily, "Maranatha!"? 
Looking for Jesus 
There are at least six reasons why every Christian should earnestly desire the soon return of Jesus
1) Jesus: When Jesus returns He will get what He deserves � honor, glory and power. 
When He came the first time, He was repudiated by the Jews, rejected by His home town, and spurned by his family. He was persecuted by the religious leaders, betrayed by a friend, denied by another friend, deserted by His disciples, and mocked by the masses. He had no place to lay His head. His only possession was a robe. 
He was born in a stable, raised in poverty, nailed to a tree, and buried in a borrowed tomb. Today, people scoff at Him and ridicule Him. His name is used as a curse word. 
That is not what He deserves! 
It is going to be different when He returns. The first time He came as a gentle and helpless baby. He is going to return as a mighty warrior. He came the first time as a suffering lamb to die for the sins of the world, but He will return as a conquering lion who will pour out the wrath of God on those who have rejected the love, mercy and grace of God. His first coming was marked by compassion, humility, and a willingness to be judged and to die. He will return in triumph and in wrath to judge and make war against the enemies of God. He came the first time as a Servant; He is returning as a Monarch. 
Jesus was humiliated in history. I want to see Him vindicated and glorified in history. And He will be because His Father has promised Him that He will reign over all the earth (Psalm 2:7-9). He has also been promised that He will manifest His glory before His saints (Isaiah 24:21-23) and before the nations of the earth (Isaiah 66:18 & Psalm 22:27-31). Paul says He is returning "to be glorified in His saints . . . and to be marveled at among all who have believed" (2 Thessalonians 1:10). 
2) Satan: When Jesus returns, Satan will receive what he deserves � defeat, dishonor and humiliation. 
I'm sick of Satan. I'm tired of his plots and schemes and lies and deceptions. I'm fed up with his sicknesses and temptations. I'm weary of his physical, emotional and spiritual pollution. I'm disgusted with his wrecking of marriages and homes. I loath his wars and terrorism. I despise His ceaseless attacks on the Church. 
I often feel like the martyrs portrayed in Revelation who cry out day and night before the throne of God, "How long, O Lord, holy and true, will You refrain from judging and avenging our blood?" (Revelation 6:10) Like Isaiah, I want to cry out to God, "Oh, that You would rend the heavens and come down!" (Isaiah 64:1). 
The fate of Satan was sealed by the Cross, but his nefarious activities will not cease until the Lord returns. At that time, the Word says that God will deal with Satan decisively. Luke 18:7 says that God will vindicate His elect who cry out to Him day and night by providing them justice. Romans 16:20 says that Satan will be "crushed." The book of Revelation says he will then be thrown into the lake of fire where he "will be tormented day and night forever and ever" (Revelation 20:10 � see also, Isaiah 14:12-17). 
But Satan doesn't want to go to Hell alone. He's working overtime to take as many people with him as he can. And I want that work stopped! I want Satan to get what he deserves. 
3) The Creation: When Jesus returns, the creation will receive what it has been promised � restoration. 
The material universe was originally created in beauty and perfection. There were no poisonous plants or animals, nor were there any meat eating animals. There were no natural cataclysms like earthquakes and tornados. Mankind lived in perfect harmony with nature. 
But when Man rebelled against God, one of the consequences of his sin was that God placed a curse on the creation. Poisonous plants and animals suddenly appeared. The animal kingdom turned against itself and Man as some of the animals became meat eaters. And the natural cataclysms began to take their toll. Man now had to strive against nature to survive. 
But the moment God placed the curse on the creation, He promised that one day it would be lifted through "the seed of woman" (Genesis 3:15). That promise is repeated throughout the Scriptures. For example, in Isaiah 11, the prophet says that when the Messiah comes to reign, "the wolf will dwell with the lamb" and "the lion will eat straw like the ox." He further states that "the nursing child will play by the hole of the cobra" because the snake will no longer be poisonous. 
Paul reaffirms this promise in the New Testament in the eighth chapter of Romans. He pictures the whole creation as being like a pregnant woman gripped by birth pains, crying out for the moment of delivery. He says that moment will come when "the sons of God are revealed." In other words, it will occur at the resurrection when the Lord returns (Romans 8:18-23). 
On the day the Lord returns, the earth will be renovated by earthquakes and supernatural phenomena in the heavens (Revelation 6:12-17). The result will be a refreshed and beautified earth. The destructive forces of nature will be curtailed. Deserts will bloom. The plant and animal kingdoms will be redeemed. Poisonous plants and animals will cease to be poisonous. The carnivorous animals will become herbivorous. All of nature will cease to strive against itself. Instead, it will work together harmoniously to the benefit of Man. (Isaiah 11:6-9; Isaiah 35:1-10; Isaiah 65:17-25; Acts 3:19-21; and Romans 8:18-23) 
4) The Nations: When Jesus returns, the nations will receive what they have been promised � peace, righteousness and justice
Mankind has dreamed of world peace throughout history. Disarmament treaties have been negotiated, peace treaties have been signed, international organizations have been created, but true peace has remained elusive. 
The Bible says that permanent world peace will never be achieved until the Prince of Peace, the Messiah, returns. Both Isaiah and Micah prophesied that when the Lord returns, the nations "will hammer their swords into plowshares and their spears into pruning hooks" and that "nation will not lift up sword against nation, and never again will they train for war" (Isaiah 2:4 and Micah 4:3). 
The hope of the world for peace will never be realized in summit conferences between heads of state. The only hope is the return of Jesus who will rule the world with "a rod of iron" (Psalm 2:9 and Revelation 2:26-27). 
5) The Jews: When Jesus returns, the Jews will receive what they have been promised � salvation and primacy. 
God has made many wonderful promises to His chosen people, the nation of Israel. Most of these are unfulfilled and will not be fulfilled until a remnant of the Jews turn to Jesus and accept Him as their Messiah. The prophetic scriptures tell us this will happen at the end of the Tribulation when the Jews who are left alive have come to the end of themselves and decide to turn to God. 
Zechariah says this remnant will "look upon Him whom they have pierced and will mourn for Him as one mourns for an only son" (Zechariah 12:10). The prophet also says that on that day of repentance, "a fountain of salvation will be opened for the house of David and for the inhabitants of Jerusalem, for sin and for impurity" (Zechariah 13:1). 
This believing remnant will then be regathered to the land of Israel to receive the blessings that God has promised the nation. Those incredible blessings are described in great detail in chapters 60 through 62 of Isaiah. God's Shekinah glory will return (60:2) to a rebuilt Temple (60:7). The nations will send all kinds of assistance (60:10), including their wealth (60:5). The land of Israel will be reclaimed (60:13), the nation will receive respect (60:15), the people will enjoy peace (60: 18), and the Messiah will live in their presence (60:13,19). All the ruins will be rebuilt (61:4) and the land will be filled with joy (61:7-8) and praise (61:10-11). The nation will be a beacon of righteousness, and its glory will be witnessed all over the world (62:1-3). To sum it up, Isaiah says the nation of Israel will be "a crown of beauty in the hand of the Lord, and a royal diadem in the hand of God" (62:3). 
In effect, the world will be turned upside down regarding its relationship to the Jews. Today the Jewish people are despised and persecuted. They are the butt of jokes and ridicule. But a day is coming when all that will cease. Zechariah says that during the Lord's millennial reign the Jewish people will be so honored that when a Jew walks by, ten Gentiles will grab his clothing and say, "Let us go with you, for we have heard that God is with you" (Zechariah 8:23). 
6) The Saints: Some of the promises to the Saints � to those who are member's of the Lord's Church � will be fulfilled at the time of the Rapture. The Rapture is an event that could occur any moment. It will precede the Second Coming. 
At the Rapture, the dead in Christ will be resurrected and the living will be translated to meet Him in the air (1 Thessalonians 4:13-18). It is at this time that both the living and dead in Christ will receive their glorified bodies. These will be immortal, perfected bodies � like the body that Jesus had after His resurrection (1 Corinthians 15:42-53 and Philippians 3:21). 
When Jesus returns to this earth, the Saints will come with Him and will witness His glorious victory over the Antichrist and his forces (Revelation 19:11-21). The Saints will then receive what they have been promised � a redeemed earth and ruling power over the nations (Matthew 5:5 and Revelation 2:26-27). 
Jesus will reign from Mount Zion in Jerusalem as King of kings and Lord of lords (Isaiah 24:21-23). David in his glorified body will reign as king of Israel (Jeremiah 30:9 and Ezekiel 34:23-24). The Saints in their glorified bodies will be scattered all over the world to assist with the Lord's reign (2 Timothy 2:12 and Revelation 2:26-27). Some will serve as administrators (mayors, governors, presidents, and kings), others will serve as judges, but most will serve as teachers, for the entire educational system of the world will be in the hands of glorified Saints. It will be their responsibility to teach those who are in the flesh about the Lord. There will be no legislators (thank God!), for Jesus Himself will give the law. (See Isaiah 2:1-4; Isaiah 66:19-21; Jeremiah 3:12-18; and Luke 19:11-27.) 
These six reasons make it clear that every Christian should be earnestly desiring the return of the Lord. Yet apathy prevails. Why? 
Yawning about Jesus I have found four reasons for the apathy and indifference that characterize the Christian community concerning the return of Jesus: unbelief, ignorance, fear, and carnality. 
Unbelief � Regarding unbelief, many professing Christians simply do not believe that Jesus will ever return. Most of these are people with a liberal view of Scripture. They have spiritualized away the meaning of the Second Coming, just as they have spiritualized the virgin birth and the miracles. To them, the Second Coming is nothing more than a fairy tale. In 2 Peter 3:3-4 we are told that the end times will be characterized by scoffers who will mock the Lord's promise to return. The tragedy is that many of these are people who profess to be Christians. 
Ignorance � I think most of the Christians who are apathetic about the Lord's return are just ignorant about what will happen when He comes back. As a result, they cannot get excited about an event they know nothing about. I was in this category for thirty years. Although I attended church faithfully, my church ignored the teaching and preaching of God's Prophetic Word. I didn't have the foggiest idea about what would happen when the Lord came back, and the result was apathy about His return. But when I began studying Bible prophecy and learned what is in store for believers when the Lord returns, I started jumping pews and shouting "Maranatha!" I have never been apathetic since that time. 
Fear � The apathy of some Christians is due to the fact that they fear the Lord's return. Because of that fear, they try to repress the thought that He might break from the Heavens at any moment. They fear He might return on one of their "bad" days or when they have an "unconfessed sin" on their conscience. These people are caught up in works salvation. They do not understand that they are saved by grace and that "there is no condemnation for those who are in Christ Jesus" (Romans 8:1). 
Carnality � Finally, there are many carnal Christians who cannot get excited about the coming of the Lord because they are in love with the world. They are walking with one foot in the church and one foot in the country club. They want the Lord to come, but they want Him to come when they are 80 years old and have experienced all that this world has to offer. In other words, they want Him to come, but they don't want Him to mess up their lives. 
  A Seventh Reason Let me conclude with a personal note. There is another reason I want Jesus to return. It has to do with the fact that when you love someone, you want to be with them. I love to fellowship with Jesus in worship, in prayer, and in His Word. But these forms of fellowship are no substitute for being with Him. I love Him, and therefore... 
I want to be with Him.
I want to bask in the presence of His love and
holiness.
I want to see the glory of God in His face.
I want to kiss His nail-scarred hands and say,
"Thank you!"
Thank you for . . .
dying for me,
forgiving me,
changing me,
guiding me,
comforting me,
and for giving my life meaning and purpose.
And I want to join the Saints and the Heavenly
Host in singing, "Worthy is the Lamb!" 
Maranatha! 

  

Biyernes, Setyembre 27, 2013

Sino ang Hindi Mabibigla?


     Halos araw-araw at oras-oras, masasaksihan ang kaganapan ng mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoong Hesus. Hindi na nagugulat ang maraming tao sa pamaya-mayang lindol na maraming namamatay sa iba't ibang panig ng mundo, nung isang araw lang 400 ang namatay sa lindol sa Pakistan. Pamaya-maya lang ang labanan at giyera. Biglang bumubulusok pataas ang presyo ng mga bilihin lalo na nga ang bigas! Sobrang krimen, kasamaan, pagkagahaman at kalaswaan ang makikita kahit saan, ngunit ang tao ay nasasanay na, hindi nagugulat. Kahit pa nga ang putukan ay nasa katabing barangay lang at kahit pa umabot ng isandaan ang kilo ng bigas- tuloy pa rin ang buhay! Lahat ng palatandaan ay nandito na ngunit wala pa ring pakiaalam ang maraming tao! Bakit? Sapagkat ang sabi ng Mateo 24:36-44 ang pagbabalik ng Panginoong Hesus ay parang karaniwang araw pa rin- ang mga tao ay nagsisikain, nagsisi-inom at nag-aasawahan!

 Sa kabila ng maraming tanda ng pagbabalik ng Panginoon, ordinaryo pa rin ang kalakaran ng mundo!


  Ngunit ang hiwagang ito ay tiyak at nakatakdang maganap! Anumang oras ngayon. Nandito na nga kasi ang lahat ng palatandaan na darating na ang Panginoong Hesus!
    Kahit nasanay na sa mga kagimbal-gimbal na mga balita ay tiyak na magugulat pa rin ang sangkatauhan sa pambihirang balitang ito- naglahong parang bula ang mga kristiyano! Dalawang uring tao ang magugulat- una yung mga walang alam sa bibliya na si Hesus nga ay darating, pangalawa yung mga nakasama ng mga totoong kristiyano na may alam na darating si Hesus ngunit hindi naman sineryoso kaya't hindi naghanda!

    Ipanalangin natin na hindi natin masasaksihan ang mga ganitong balita, sapagkat kalagim-lagim ang sasapitin ng mga makakatunghay sa ganitong mga balita!

   Ang ganitong mga balita ay hindi masasaksihan ng mga mapapalad sapagkat sila nga ang laman ng pambihirang balita! At hinding-hindi sila mabibigla! Ang mapapalad na ito ay ang tinutukoy ng Bibliya sa I Tesalonica 5:1-9. Mga nasa panig ng kaliwanagan sapagkat si Hesus na Siyang liwanag (Juan 8:12) ay kanilang tinanggap at minahal ng lubusan. Kilala nila at konektado sila sa Panginoong Hesus ang nag-iisang Diyos at Tagapagligtas!

Martes, Setyembre 24, 2013

Seryosong Paghahanda para sa Dakilang Handaan


     
     Malinaw ang dahilan kung bakit muling babalik ang Panginoong Hesus- "Ako'y aalis at kung naipaghanda Ko na kayo ng inyong titirhan, babalikan Ko kayo upang tanggapin maging akin nang sa ganun kung nasaan Ako ay nandoon din kayo!" (Juan 14:3). Kapag naganap na ang pagbabalik ng Panginoong Hesus, bago Niya dalhin sa inihandang tirahan, ang mga mapapalad na pinangakuan ay magkakaroon muna ng isang malaki at dakilang handaan! Isang pambihira at maluwalhating salu-salo na tinatawag ng Pahayag 19:9 'hapunan pangkasalan ng Kordero' (marriage supper of the Lamb). Ang sabi nga ng talata- mapalad ang mga naanyayahan sa pambihirang salu-salong ito. Anumang salu-salo ay nangangailangan ng paghahanda. Hindi lang tirahan ang inihahanda ng Panginoon kundi ang isang maluwalhating salu-salo (handaan).

   Puro paghahanda ang ginagawa ng Diyos (1Corinto 2:9) kaya't hindi kataka-takang hingiin Niya sa Kanyang mga babalikan na magbantay o maghanda rin.(Mt.24:42, Mt.24:43, Mt.25:13, Marcos 13:33, Marcos 13:35, Lucas 12:37, Lucas 21:36 at marami pang iba). Ang panawagan ng Diyos sa Israel (Amos 4:12), "Maghanda kayo sa pagharap sa Diyos!" ay higit na umaalingawngaw ngayon sa mga totoong tagasunod ng Panginoong Hesu-kristo.
  Paano at anong paghahanda ito? Tingnan natin ang I Juan 3:3- "Ang sinumang umaasa sa pagbabalik ng Panginoon ay nagpapakadalisay kung paanong SIYA ay dalisay!" Inihayag ng Daniel 12:10 at Pahayag 22:11 ang magiging kalagayan nag nakararami at mangilan-ngilan- "Sa huling panahon (sa nalalapit ng pagbabalik ni Hesus) ang masasama ay lalo pang magpapakasama ngunit ang mga matuwid at banal ay lalo pang magpapakadalisay!
   Tunay na bawat bahagi ng Salita ng Diyos ay mahalaga at dapat pagtuuunan ng pansin ngunit may mga bahagi ng katotohanan ng Salita na dapat mabigyan ng diin sa partikular na pagkakataon o kapanahunan. Sa panahong nagbabadya ang malawakang krisis maginhawang mapakinggan sa mga pangangaral ang katotohanang ang Diyos ay Diyos ng pagpapala. Ngunit hindi dapat maisantabi na ang sitwasyon o kapanahunan ngayon kung saan kaliwa't kanan ang balita tungkol sa mga pagtaas ng bigas at mga bilihin, malaganap na kasamaan, giyera/labanan, mga kalamidad sa maraming dako ng mundo ay hudyat ng nalalapit ng pagbabalik ng Panginoon, kaya't nakatitiyak ako na ang naaangkop na mensahe ngayon sa bawat pangangaral ay ang MAGHANDA!  Isang seryosong lingkod ng Diyos ang nangangaral ng kabanalan sa kanyang kawan ang umaming nahihirapang makasunod ang kanyang mga nasasakupan at maging siya mismo! Ayon sa kanya- "May nangangaral na nga patungkol sa pagpapakabanal ay nabibigatan pang makasunod ang ilan, paano pa kung wala nang mangangaral patungkol sa pagpapakabanal?" Tanggapin natin ang katotohanan na ito ang pinakamahirap na aspeto sa larangan ng pananampalataya ngunit hindi ito dapat maisantabi sa halip ay dapat ipursige sa biyaya ng Diyos at sa kahabagan ng Banal na Espiritu. Sa mangilan-ngilan na nanatiling gising, nagbabantay at naghahanda ang  mga talatang ito ay yumuyugyog sa kanilang mga kamalayan:

  "Ginagawa Niya ito upang maiharap sa Kanyang Sarili ang Iglesiya, marilag, banal, walang batik at
walang anumang dungis o kulubot." (Efeso 5:27)

   "Nawa'y lubusan kayong pabanalin ng Diyos...at nawa'y panatilihin Niyang walang kapintasan ang buo ninyong
katauhan-ang espiritu, kaluluwa at katawan hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Hesu-kristo!" ( 1 Tesalonica 5:23)

   "Kaya nga mga minamahal, samantalang kayo'y naghihintay, SIKAPIN ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan!" (2 Pedro 3:14)

"Ang sinumang umaasa sa pagbabalik ng Panginoon ay nagpapakadalisay kung paanong SIYA ay dalisay!" (1 Juan 3:3)


    Ang makakasalo sa dakilang handaan at ang titira sa inihandang tahanan ng mapaghandang Diyos ay yaong mga nagsipaghanda.   

        Kaibigan ikaw ba ay naghahanda na?

Mapapabilis o Maiaantala ba ng Sinuman ang Pagbabalik ng Panginoong Hesus?


  

  Marami na rin akong nakausap patungkol sa tayming o kapanahunan ng pagbabalik ng Panginoong Hesus. Mas marami sa kanila ang nagsasabing napakatagal pa ang pagbabalik ng Panginoong Hesus. Isang dahilan ay sapagkat napakarami pa ring tao ang hindi kumikilala sa totoong Hesus. Napakarami pa ring masasama at makasalanan. Sapagkat totoo nga naman na kapag bumalik ang Panginoon, tapos na ang palugit sa pagkakaloob ng kaligtasan. Ayaw ng Diyos na marami ang mapapahamak. Kaya naaantala ang pagbabalik ni Hesus ay upang mabigyan ng pagkakataong magsisi ang mga tao upang sila rin ay maligtas. Ang kaisipang ito ay totoo ayon sa sinabi ng 2 Pedro 3:9. Samakatuwid kung ayaw pa ring magsisi at kumilala sa totoong Hesus ang maraming tao ay hindi pa darating ang Panginoong Hesus. Tama kaya ang kaisipang ito? 
   Isang tagadalo ng kristiyanong pananambahan ang nagsabing hindi pa daw darating ang Panginoon sapagkat hindi pa ligtas ang kanyang mga kapamilya. Ang tanong ko sa kanya "Ibinabahagi mo ba sa kanila ang kaligtasan at naisasamo mo ba sila sa Panginoon?"  Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Kung siniseryoso niya ang pangako ng Diyos sa Gawa 16:31 at siya ay tapat na tagasunod ni Kristo ay pwede namang ilang minuto o segundo bago dumating ang Panginoon at magbalik-loob sa Diyos ang kanyang mga mahal sa buhay  at tumanggap ng pagliligtas ng Diyos! Pwedeng bang batayan na matagal pang babalik si Hesus sapagkat hindi pa masigasig sa pag-aakay ng kanilang sambahayan ang mga nagsasabing 'kristiyano'? o kaya,  babalik na talaga ang Panginoon kasi pwersahan na niyang hinihila sa gawain ang kanyang mga kapamilya? Maiaantala nga ba ang pagbabalik ng Panginoon ng isang 'kristiyanong' tinatamad na ebanghelyohan ang kaniyang kapamilya?
    Ang sabi ng Mateo 24:14, "Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita (Ebanghelyo) saka darating ang wakas!". Naging batayan ito ng ilan na matagal pang darating si Hesus sapagkat marami pang tribo ang hindi nararating ng Ebanghelyo. At may narinig din akong nagsabi na magdobol taym na ang mga misyonero at ebanghelista na humayo upang mapadali na ang pagdating ng Panginoon. Sa aking palagay, dahil sa mahimalang kapamaraanan ng Diyos, ay naipalaganap na ang Ebanghelyo sa lahat ng panig ng mundo at naabot na rin ang mga kaliit-liitang tribo. Pagbulay-bulayan natin ang tanong na ito: Kung sakali bang tumigil na sa paghayo ang mga mangangaral ay mapipigilan na nito ang nakaambang pagdating ng Panginoon?
    Pauli-ulit na nagpapaala-ala ang Bibliya na ang susunduin ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik ay ang mga nagsipaghandang mga mananampalataya na namumuhay ng banal at matuwid. Kung ganun, kapag talagang babalik na ang Panginoon ay makikita na ang mga kongregasyong kristiyano na ganap na sa pag-ibig at kabanalan. E paano ngayon 'yan- ang makikita sa mga dumadalo sa mga gawain ay mga makasanlibutan pa rin. Ang mga karakter ay walang pinagkaiba sa mga nasa relihiyon o kulto. Kung ano ang galaw, sayaw at hilig ng mundo ay ganun din sila . Kung ganun, matatagalan pa pala ang pagbabalik ng Panginoon sapagkat makalaman at makasanlibutan pa rin ang mga dumadalo ng kristiyanong pananambahan?

    Kung susuriin ang mga nailahad kong argumento, nakatitiyak ako sa aking konklusyon: hindi kayang impluwensiyahan ng sinuman kung kelan gugustuhin ng Panginoon na Siya ay bumalik. Binanggit na kasi ni Hesus kung kelan Siya babalik- "Ako'y babalik kapag natapos ko na ang inihahanda kong titirhan ninyo!" (Juan 14:3)
   Ito'y pinagtitibay din ng talinhaga ng 10 dalaga sa Mateo 25:1-12. Hindi na hinintay ng lalaking ikakasal ang 5 dalaga na makabili ng kinakailangang langis. Pinagsarhan na sila ng pinto. May sariling orasan o panahon ang Panginoon, kailangan lang na sundin ang tagubilin Niya na maghanda at magbantay ang sinumang nais na makasama sa gagawin Niyang pagsundo.    

   Nakatitiyak ako na nalulugod ang Panginoon at pahahalagahan Niya ang mga nagsusumamo na Siya ay dumating na.(Maranatha) Ngunit kahit walang manalangin na Siya ay dumating na, ay tiyak darating pa rin Siya
    Kung saan nasasanay o madalas ang sinuman doon siya dadatnan ng Panginoong HESUS!
   

Huwebes, Setyembre 12, 2013

Bakit nasa Panganib ang mga Nag-aabang Ng Pasko?

   

    "Ano bang hinihintay mo,Pasko?" Ang kasabihang ito ay pabiro o pang-iinis sa sinumang  umaasa o may hinihintay. Pinapakita nito ang katotohanan, na ang pinakahihintay na okasyon ng karaniwang tao ay ang pagsapit ng Pasko. Halos buong mundo at lahat ng lahi ay apektado ng kapaskuhan. Mga bata nga raw ang pinakamasaya sa ganitong kapanahunan ganun din ang mga negosyante't namumuhunan. Halos lahat ay masaya, kahit yung mga walang inaasahang bonus. Ang sabi nga, pinakamasayang kapanahunan daw ito sa loob ng isang taon kaya nga may mga nagka-ideya na gawing buong isang taong Pasko ang konsepto ng kanilang negosyo, halimbawa ay yung Paskuhan sa Pampanga, o yung disenyo ng Snow world ng Star City. Sa loob ng daan-daang taon ay talagang pinanabikan ng marami ang kapaskuhan dulot ng kakaibang ligaya o tuwa sa pagdiriwang nito. Ngunit bakit ganito ang aking pamagat? Nasa delikadong kalagayang espirituwal ang sinumang "excited" o sabik na nag-aabang ng kapaskuhan! Nanganganib na mapahamak o masadlak sa impiyerno ang maraming nananabik sa pagdiriwang ng Pasko! BAKIT?

   Talakayin ko muna yung kakaibang pakiramdam kapag sumasapit ang kapaskuhan. Bakit nga ba may pambihirang damdamin ang hatid ang kapaskuhan? Isang  sentimental na haplos sa puso na pinagsamang pananabik, tuwa at lungkot. Nais kong ipaunawa ito sa isang ilustrasyong batay sa tunay kong karanasan. Noong bagong salta ako sa Maynila, gustong-gusto kong dumaan sa mga mararangyang kainan o restoran. Nalalanghap ko kasi ang mga kakaibang lutuin nila. Masaya ako sapagkat masarap sa aking pang-amoy, ngunit kasabay nito ang lungkot kasi hanggang sa pagsinghot na lang ako. Wala akong kakayanang alamin at tikman kung ano yung masarap na aking nalalanghap. Ngunit dumating ang panahon na kaya ko nang pumasok sa restoran na dating dinadaan-daanan ko lang. Nalaman ko na rin at natikman kung ano yung mga pagkaing nalalanghap ko. Dahil natikman ko na, balewala na sa akin ang mga nalalanghap ko sa mga restoran na ito.
   Paano ko iuugnay ang aking karanasan sa damdaming humahaplos sa puso ng maraming tao kapag sumasapit ang kapaskuhan? Ito ang aking pagkakaunawa:  Ang damdaming humahaplos sa maraming tao kapag sumasapit ang kapaskuhan ay inihahalintulad sa napakasarap na nalalanghap ko noon tuwing dumadaan ako sa mga mararangyang restoran. Ang napakabait na Dios ay may inihahaing napakainam na handog sa sangkatauhan. Hindi ito lubos na maunawaan ng mga tao, hindi pa kasi  nila ito natatanggap o natitikman. Ito ay kanilang 'nalalanghap' pa lamang sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan. Ano nga bang pinakamainam (pinaka-"the best") na inihandog ng mapagmahal na Diyos sa sangkatauhan? Ganito ang sinabi ni Hesus sa Juan 3:16:
"Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

    Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, nalalanghap ng maraming tao ang iniaalok na kaligtasan ng Amang mapagmahal. (Ito 'yung haplos sa puso na nadarama ng karaniwang tao tuwing sasapit ang Pasko) Ang iniaalok Niya ay ang Kanyang Anak, ang Panginoong Hesus; ang tanging Tagapagligtas! Siya ay matatanggap, matitikman, mararanasan ng sinumang sumasampalataya. Nakakagulat ang sinabi ng Panginoong Hesus sa Juan 6:53 "Tandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang Aking laman at inumin ang Aking dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay!" Malalim ang kahulugan nito ngunit sa simpleng pang-unawa sinasabi ni Hesus, na Siya ay kailangang tanggapin at Siya (ang Panginoong Hesus) na lamang ang maging kasiyahan, kabusugan at maging lahat-lahat sa sinumang naghahangad na mapunta sa kanyang kaharian (kaligtasan).
   Noong panahong wala pa akong kaugnayan sa Panginoong Hesus, katulad din ng iba ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko ang mga awiting pamasko, iba ang dating kapag nakikita ko ang mga pamaskong dekorasyon, ngunit naglahong lahat ang epekto nito ng matanggap ko na ang Panginoong Hesus sa aking puso. Nakita ko at naranasan kung gaano kaganda at kadakila ng pag-ibig ng Diyos sa akin. Kulang ang salita para ilarawan ang kagandahan at kaluwalhatian ng Diyos.
 Unti-unting nahayag sa akin ang mga kamangha-manghang kagandahan at kasiyahang makalangit kung kaya nagmimistulang basura ang mga karangyaan at kagarbohan ng sanlibutan. Kasama na ang komersiyalismo ng Pasko.

   Bakit nga ba delikadong mapunta ng impiyerno ang mga nag-aabang ng pasko? Sapagkat nagkakasya na lang sila sa paglanghap sa iniaalok na kaligtasan (yung kakaibang saya/pakiramdam hatid ng kapaskuhan). Wala pa silang tunay na pagkakakilala at buhay na karanasan sa Tagapagligtas (sapagkat hindi pa totohanang nananampalataya). Nakukuntento sila sa aliw na bigay ng Santa Claus, krismastri, parol, krismaslayt, pamaskong dekorasyon, noche-buena, karoling, bonus, krismas party, krismas raffle, aginaldo, simbang gabi, magagandang damit at sapatos at marami pang iba. Sinumang totoong Kristyano na tumanggap ng kaligtasan, ay wala nang epekto sa kanya ang taon-taong pagdiriwang ng Pasko. Hindi na Pasko ang pinananabikan ng totoong kristiyano kundi ang pagbabalik ng Panginoong Hesu-Kristo!


Huwebes, Setyembre 5, 2013

Kritikal na Babala


Bakit gayon na lamang ang paghihinagpis ng mga naiwan?
   

"Kapag sinasabi ng mga tao, 'Tiwasay at panatag ang lahat,' biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito ay tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam ng babaing manganganak." (ITesalonica 5:3)
    

    Ang tinutukoy ng talatang ito ay ang nalalapit na pagbabalik ng Panginoong Hesus! Ngunit bakit ito ay inilalarawan bilang "darating na kapahamakan"? Pinagtibay ng Bibliya na ang pagbabalik ng Panginoong Hesus ay para sa ganap na kaligtasan ng mangilan-ngilan na talagang nagsipagbantay at nagsipaghanda.(Mateo 24:44) Mga mananampalatayang namumuhay ng banal at matuwid na itinakda sa kaligtasan hindi sa kapahamakan. (I Tesalonica 5:9). Kapahamakan ang katumbas ng pagbabalik ni Hesus sa mas maraming bilang sapagkat nabigo silang pakinabangan ang pagkakataong ibinigay ng Diyos upang makapagsisi at ayusin ang sarili sa harapan ng banal na Diyos. Kapag dumating na ang Panginoon, hudyat ito na tapos na ang pag-aalok ng Diyos ng kaligtasan! Kapag kinuha na ng Panginoong Hesus ang mga banal (totoong kristiyano), wala ng pag-asang pumunta ng langit ang mga naiwan, kaya't ito ay katumbas ng malagim na kapahamakan! Katulad ng naituro ko noong una, matagal pa ang katapusan ng mundo, ngunit napakalapit nang matapos ang palugit para maligtas ang sangkatauhan sapagkat anumang oras ay darating na nga ang Panginoong Hesus. Habang hindi pa ito nagaganap, ang kritikal na babala o panawagan ay inihahayag sa maraming tao, suriin mo kaibigan ang mga susumusunod, maaaring kabilang ka sa binibigyan ng mahigpit na babala:

* Ikaw ay nasa relihiyon at kuntento na linggo-linggo ay dumadalo naman sa mga rituwal at maseremonyang pagsisimba.

* Panatag na ginagawa ang mga bagay na nakakahiya lang kung may nakakakita, at kung wala naman ay ayos lang.

* May pangangatwiran na natural lang ang magkasala sa kaisipang "Sapagkat ako ay tao lang!".

* Nag-aakalang hindi ka masyadong masama sapagkat wala ka namang inaapakang tao at mayroon ka namang ginagawang kabutihan bilang pangtakip sa kung anuman ang iyong pagkukulang.

* Umiikot lang ang buhay mo kung paanong makaraos araw-araw at magkaroon ng konti o lubos-lubos na kasiyahan dulot ng telebisyon, cellphone, computer (facebook), at kung ano-ano pang gadget. Ito ang halos umuukupa sa marami mong oras.

* Wiling-wili kang kumanta o makinig ng mga nauusong musika at awiting makamundo. Wala sa kamalayan mo na ang awitin ay marapat lamang sa Diyos na dapat dakilain at papurihan at ang tinig mo at esklusibong para sa Diyos lang.

* Kinikilig kang pag-usapan ang tsismis at kasiraan ng iba. Hanap-hanap at nakikiliti ka rin sa mga balitang artista.

* Ang pagpupursige mo ay ang umasenso at magkamal ng madaming pera sa kaisipan na kapag ma-pera, "solved" lahat ng problema!

* Wala kang interes sa Bibliya.

* Wala kang ganang makipag-usap sa Diyos. Pero minsan naman ay nagdarasal din kung may mabigat na problema at kung sino-sinong pangalan ang binabanggit. Ang kapag may problema, tao kaagad ang naiisip na lapitan.

* Ikaw ay nasa kongregasyon ng mga nagbi-Bibliya at nagha-haleluya ngunit ang pang-araw-araw na pamumuhay mo ay walang kaibahan sa mga nasa relihiyon o nakararaming pagano (walang-Diyos)

* Ipinagmamalaki ang laki at karangyaan ng kinabibilangang kongregasyon at hangang-hanga sa husay at galing ng mga mangangaral.

* May pangambang baka manghina o mapahamak kapag mahiwalay sa kinawiwilihang kongregasyon.

* Palipat-lipat ka ng kongregasyon sa paghahanap ng higit na mapakikinabangan o kaya, kaagad umaalis kapag nasusukol o may kinaiinisan at inaayawan.

* Kiliting-kiliti sa mga mensahe ng mga ekspertong mangangaral kung paanong yumaman, maging mahusay, magaling at dakila, ngunit nangingiwi sa mga mensaheng magpakabanal, magpakababa, maging patay at limutin ang sarili upang si Hesus na lang ang maging lahat-lahat.

* Merong mga taong kinagigiliwan ngunit marami ring iniiwasan at kinaiinisan. May poot at hinahanakit sa ala-ala at presensiya ng sinuman.

* Hangad mong itampok ang sarili kaya idinadako ang pansin sa kasiraan o kahinaan ng iba.

* Kinatatamaran ang mga espirituwal na pananagutan (pagbabasa ng Bibliya, pananalangin, pag-aayuno, pag-eebanghelyo, pagdalo sa pagsamba) at mabilis na naisasantabi bilang pagbigay puwang sa mga sekular o pansariling kadahilanan.

* Walang ganap na pagkakakilala at pagpapahalaga sa Banal na Espiritu kaya nagtitinda pa rin  o tumatangkilik ng sigarilyo, alak, pornograpiya, sugal, lotto at kung ano-ano pang hilig ng laman at mundo.

* Walang kaalam-alam sa espirituwal na labanan. Ayaw palayasin ang diablo at magaan lang ang pakikitungo sa pwersa ng kadiliman, palambing pa na tinatawag ang kaaway ng Diyos sa pangalang "taning".

* Walang malasakit sa espirituwal na kapakanan ng kapamilya. Panatag ang loob kahit nakikitang binabalewala ang Panginoong Hesus at ang Kanyang Salita. Hindi man lang nagbabahagi ng Ebanghelyo ng Kaligtasan.

* Walang ideya o pananabik na ang Panginoong Hesus ay darating na anumang oras!

   Napakarami pa sana akong babanggitin ngunit hayaan na lang natin na ang Banal na Espiritu ang magdagdag sa mga nabanggit ko. Alalahanin natin, na isa o dalawa lang sa mga ito ang taglay ninuman, nakakapangilabot na panganib ang katumbas ng pagbabalik ng Panginoong Hesus! Nangangahulugan ito ng kapahamakan. Ngunit hindi pa naman huli ang lahat- masusumpungan pa rin naman ang masaganang habag ng Diyos. Ito ang kritikal na babala o panawagan:
     Dapat lamang na hanapin ang Diyos habang malapit pa Siya at maaari pang masumpungan. (Isaiah55:6)
 At sa habag at kapamaraanan ng Banal na Espiritu, pigain natin ang ating puso at kamalayan na maunawaan ang kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos na ipinamalas Niya sa krus ng kalbaryo. Magdesisyon tayo na isuka at isumpa ang kasalanan at yakapin ang Salita ng Diyos at talikuran o iwan ang lahat, alang-alang sa Kanya na higit na mahalaga... ang Panginoong Hesus! (Filipos 3:8)