Halaw sa Aralin ng UB David& I'll B Jonathan Inc. at isinalin sa Filipino ni Bro.Jojo
Si Hesus ay muling babalik! Ano ang katiyakan nito? Paano natin malalaman? Sapagkat Siya mismo ang nagsabi nito. Ganito ang sabi Niya,
"Ako ay aalis upang maghanda ng lugar para sayo. At kapag ako ay umalis at naghanda ng lugar para sayo, AKO AY MULING BABALIK...."John 14:2,3
Kapag binabanggit ng Bibliya ang pagdating ng PANGINOON, hindi ibig-sabihin nito ay kamatayan, o sinasabing pagdating ng Banal na Espiritu. Binabanggit nito ang personal, pisikal o literal nating makikita ang pagdating ng Panginoong Hesu Kristo. Nang si Hesus ay paaakyat sa langit, habang ang kanyang mga alagad ay nakatayong nanonod, dalawang anghel ang lumitaw sa kanila at sinabi,
"Mga Galileo, bakit kayo nakatingala sa langit? Itong si Hesus...ay darating katulad ng nasaksihan ninyo ng Siya ay pumunta sa Kalangitan." Gawa 1:11
Paano darating si Hesus? Siya ay darating kagaya ng Kanyang pag-akyat sa Langit. Ang mga alagad ni Hesus na nakakita sa Kanyang pag-akyat, at yaong mga may buhay na nakasaksi ng kanyang muling pagdating ay makikita Siya.
Kailan si Hesus darating? Ano ang mangyayari kapag Siya dumating? Ano ang mangyayari sa mga di-mananampalataya at sa mga kristiyano kapag muling dumating ang Panginoon? Ito ang mga mahahalagang tanong, at hahanapin natin ang mga kasagutan sa katuruang ito.
Kailan si Hesus darating?
Posible bang alam ng isang tao ang eksaktong panahon ng pagdating Panginoon? Posibleng hindi. Sabi ng Panginoong Hesus, "Walang sinumang tao ang nakaaalam ng araw at oras na yaon". Sa kadahilanang hindi natin alam ang eksaktong pagdating ng Panginoon, tiyakin nating sa lahat ng oras ay handa tayo sa Kanyang pagdating.
Ang nararapat na pagtanggap ng mananampalataya tungkol sa pagdating ng Panginoon ay yung laging nag-aabang at naghahanda.
Ano ang mga sinyales ng pagdating ni Hesus?
Gayong hindi natin nalalaman ang saktong oras ng pagdating ni Hesus, alam natin na malapit na Siyang dumating. Paano natin malalaman ito? Sa pamamagitan ng mga palatandaan na pinapahayag ng Bibliya. Tutukan natin kung paano ito naisasakatuparan.
1. Digmaan
Nariyan lagi ang digmaan, ngunit sabi ni Hesus na sa mga huling kapanahunan masasaysay ang matataas na bilang ng mga digmaan. Sabi niya, " Ang bansa laban sa bansa, at kaharian laban sa kaharian. Simula ng pangalawang digmaang pandaigdig, 45 na mga digmaan na ang lumipas, labindalawa dito ay malalaki ang nasakop.
2. Taggutom, epidemya ng mga sakit, mga lindol
Sabi ng panginoong Hesus"... magkakaroon ng mga taggutom at paglaganap ng mga sakit, at mga lindol sa iba't-ibang mga lugar." Simula noon hindi pa nakapagtala ang mga siyentipiko ng mararaming mga lindol makalipas ng 20 taon.
3. Sa Israel
600 taon bago ang kapanahunan ni Kristo, ang Israel pinipigilang magkaroon ng kasarinlan upang maging isang bansa. Nagkalat ang mga hudyo sa iba't-ibang panig ng mundo. Ngunit ayon sa propesiya ng Bibliya na ibabalik ng Panginoon sa mga huling araw ang kanyang bayan sa kanilang lupain, at ang desyerto na tuyot ng mahabang panahon ay" mamumukadkad ng maraming rosas." Ito nga ay nangyari.
4. Sa Jerusalem
Ang Panginoong Hesus ay nagbigay ng mas detalyadong senyales sa mga huling panahon. Binigyang pansin nito ang Jerusalem. Sabi ng Panginoong Hesus,
" Ang Jerusalem ay uusigin o gagawing busabos ng mga Hentil. Hanggang sa maganap ang ang nakatakda sa mga Hentil." Lucas 21:24
Ang Jerusalem ay sinakop ng mga Hentil/o dayuhan nang halos 1900. Ngunit noong taon ng 1967 ang Jerusalem ay muling nabawi ng mga Israelita/Hudyo. Ito ay isa sa mga palatandaan na ang pagbabalik ng Panginoon ay napakalapit na talaga.
5.Ang 10 Kaharian
Ipinahiwatig ng Banal na Kasulatan na sa huling panahon ay may lilitaw na samahan ng sampung kahariang nagkakaisa na pangungunahan ng lumang empiro Romano. Alam nyo na ba na ang lahat ng bansa sa mundong ito ay nahati na sa 10 rehiyon at ito ay sa pangunguna ng European Common Market at United nations?
6.Ang Mga Hakbang Pangkapayapaan
Isang palatandaan ng Huling panahon ay ang pagsusumikap na maitaguyod ang kapayapaan. Kaya nga laging may ginaganap ng pagpupulong para sa pagkakaisa at kapayapaan ng mga bansa. ngunit alam natin na ito ay mauuwi lang sa kabiguan sapagkat tanging ang Prinsepe ng Kapayapaan (si Hesus) lamang ang makakapagpatupad nito. "Ang mga sugong pangkapayapaan ay maghihinagpis" (Isaiah 33:7)
7.Mabilisang Paglalakbay at Pag-alagwa ng Kaalaman
Ayon sa Daniel 12:4 "sa huling panahon, marami ang magpaparoo't parito at ang karunungan ng tao ay papailanlang!"
Ang liham na minsan inaabot ng isang buwan bago matanggap ay pwede nang maipadala sa loob lang ng 2 segundo. sinong mag-aakala na ang telepono at telebisyon ay mailalagay na sa bulsa ng pantalon? Ang imbensiyon ng kompyuter ang isa sa pinakarurok na bunga ng katalinuhan ng tao!
8. Talamak na kasamaan at kalaswaan
Inilarawan ng Bibliya na ang panahon ng pagbabalik ng Panginoon ay katulad ng panahon ni Noah (Lucas17:26) at panahon ng Sodoma (Lucas 17:28-30) Ang dalawang kapanahonang ito ay naglalarawan ng karimarimarim na kasamaan ng tao. Matinding paghamak at paglapastangan sa Diyos. Hindi na nagugulat o manhid na ata ang mga tao sa pamayamayang balita patungkol sa karumal-dumal na patayan. Ang napakalaswa at kasuklam-suklam sa mata ng Diyos na relasyong kabaklaan ay hinahangaan at niyayakap na ng lipunan. Ang mga panooring porno ay madaling mapasakamay kahit ng mga musmos. Kamakailan lang napabalita ang panggagahasa ng 12 taong bata sa 3 taong gulang!
"At nakita ng Diyos, sukdulan na ang kasamaan ng tao! puno ng kadiyablohan ang kanilang isip, puso at mga gawa!" (Genesis6:5)
9.Mga Kulto,Pangkukulam at Espiritismo
"Sa huling panahon magpapasabog ng panlilinlang ang mga masasamang espiritu at tatangkilikin ng mga tao ang mga doktrina ng demonyo!" (1Timoteo 4:1) Ang mga ito ay makikita ngayon sa mga laro ng kabataan sa kompyuter at maging sa pelikula na may kinalaman sa mga pangkukulam, mga kakaibang kapagyarihang taglay, bampira, aswang, multo,horoscope, fengshui at iba pa. Ang mga katatakutan o mula sa kadiliman/kadiyablohan ay ipinapalagay na karaniwan na lamang o kaya nakakaaliw.
10.Panlalamig at Pagtalikod
Hudyat din ng panahong babalik na nga ang Panginoon ay ang ipinauna ng Bibliya na sa huling panahon ay magaganap ang panlalamig at pagtalikod ng mga nakakilala na sana sa Tagapagligtas. Maraming napunta sa mga kristiyanong kalipunan ang muling babalik sa makasalanan at makasanlibutang pamumuhay na kanilang iniwan na sana. Ang isang dahilan nito ay dahil maraming pinakawalan ang diyablo na mga pekeng pastor at mangangaral. Nakakagulat ngayon dahil maraming seminaryo at paaralang pam-Bibliya, mga guro at propesor na pinabubulaanan na ang Bibliya ay tunay at buhay na Salitang kinasihan ng Diyos. Pinagagaan na nila ang mga himala sa mga likhang-taong kapaliwanagan, itinatanggi na si Hesus ay isinilang ng isang birhen. Pinag-aalinlangan ang mga tinuturuan kung ang Panginoong Hesus ay tunay ngang Diyos at umiiwas sa isyu ng pagpapakabanal. Dahil dito ang mga dumadalo ay nananatiling taga-dalo na lang ang hindi namamalayang nabubuwag na ang kanilang dalisay na pananalig sa Diyos. Napakarami na ngayong mga bulaang mangangaral kung saan hindi na dalisay na ebenghelyo ang hinahatid sa halip kung ano na lang na nakakakiliti sa pandinig ng nakararami.
BABALA ng Bibliya (Kawikaan19:27): "Layuan niyo ang mga tagapagturong sumasalungat sa kung ano ang tama at matuwid!"
Hinog na hinog na nga ang panahon! Maaari nang dumating ang Panginoong Hesus, mamayang gabi, bukas o sa isang buwan. Kaya nga may sinabi ang Panginoon sa Lucas 21:31- " Kapag nakikita na ninyo na nagaganap na ang mga bagay na ito, tandaan niyo napakalapit na ng paghahari ng Diyos!"
Ano talaga ang mga Kaganapan kapag Dumating na ang Panginoong Hesus?
Una, palihim na darating ang Panginoong Hesus upang dagitin ang mga totoong mananampalataya. Biglang maglalahong parang bula ang mga banal at maka-Diyos na ikagugulantang ng maraming tao sa lahat ng panig ng mundo. Magiging kagulat-gulat na pangunahing balita ito sa lahat ng diyaryo at telebisyon. Ito ang sinasabing HIWAGA ng I Corinto 15:51-53 na magaganap lamang sa isang kisap-mata. Ang pambihirang pangyayaring ito ang tinutukoy din sa I tesalonica 4:15-18. Ito ay isang napakalaking katotohanan na kung saan sa mga taong walang alam sa Bibliya ay aakalaing kathang-isip o kwentong pantasya lang. Ngunit ang Bibliya ay nagtala ng mga taong pumunta ng langit na hindi dumaan sa kamatayan. Sila'y basta kinuha na lang ng Diyos. Si Enoch sa Genesis 5:24, si Elijah, sa 2Hari 2:11, at maging si Moses ay pinapalagay na kinuha rin ng Diyos sapagkat kahit binanggit na si Moses ay inilibing ng Diyos (ang Diyos mismo) sa Moab (Deuteronomio 34:6) ngunit talagang hindi na nakita ang kanyang bangkay. Isang katiyakan: may mga pupunta ng langit na hindi dumaan sa pagiging isang malamig na bangkay sa halip bigla na lang mawawala.( Mateo 24:40-41)
Kasunod kaagad ng pagkawala ng mga banal at mababait (totoong mga kristiyano) ay ang biglang pag-alagwa ng kagulat-gulat na pagbuhos ng kasamaan at kahalayan sa bawat bahagi ng lipunan. Bakit? Ito'y dahil sinabi ng 2Tesalonica 2:6-8, na ang "Pumipigil sa Kasamaan" (ang Banal na Espiritu ay hindi pa umaaalis. Ngunit ang banal na Espiritu ay aalis din at ito ay kapag kinuha na ni Hesus ang mga maaamong tupa na nag-aabang sa Kanya. Sa panahon ngayon sobrang laganap na nga ang kasamaan, ngunit maituturing na banayad pa rin ito, pag wala na ang Banal na Espiritu at mga kristiyano, ay grabeng kasamaan ang hayagan at lantarang magaganap. Sa mga nakalipas na panahon, disente pa ang mga makikita sa mga komersiyal na patalastas. Sa paglipas ng panahon, halos mga hubad at nang-aakit na ang nakabalandra, pati na ang maaarteng binabae ay ginagawa ng "endorser", pati na ang mga papalit-palit ng asawa ay mabenta rin sa komersiyal. Kahit ang mga sensitibong produktong may kaugnayan sa sekswal ay pinapatalastas na rin sa telebisyon. Ano na kaya ang mga susunod na makikita sa telebisyon kasunod ng malaking balita na nagkawalaan ang mga mababait na laging nag ha-"Hallelujah!" at nagpi-"Praise the LORD!"?
Halos kasabay ng mga pangyayaring ito ay pagsulpot sa eksena ng isang pambihihira, makarisma at napakamaimpluwensiyang personalidad na magpapakilala sa lahat ng nilalang sa bawat panig ng mundo. Magtataglay siya ng kahanga-ngang kakayanan sa pamumuno at paglutas ng pandaigdigang suliranin at usapin. Mapapanganga ang lahat sa ipapakita niyang pambihirang kapangyarihan. Ngunit ang anumang dunong at kapangyarihang taglay niya ay hindi galing sa Diyos kundi ito ay galing kay satanas. Hindi lamang na siya ay kakasihan ng diablo kundi lulukuban mismo siya ni satanas.
Siya ang tinutukoy ng Bibliya at tinatawag na Anti-Kristo. Ang ibig sabihin ng "anti" ay kasalungat/kalaban/kaaway. Siya ang lilitaw na matinding kalaban ng Diyos at mahigpit na kasalungat ni Cristo Hesus!
Sa pamamagitan ng mga panlilinlang at kapangyarihang makadiyablo, ang Anti-kristong ito na sugo ni satanas ay kikilanling pandaigdigang bayani at magkakaroon siya ng kumpletong kontrol sa buong sangkatauhan. Maglalagay siya ng kanyang imahe upang bigyang pugay at pagsamba ng lahat ng tao. At magaganap ang sinasabi ng Bibliya sa Pahayag 13: 15-18 na hindi niya papayagang magbenta at bumili kung wala ang kanyang tatak, at ang tatak ng Anti-kristo ay 666. Pangunahing instrumento ng Anti-kristo ay ang kompyuter at iba pang gadget na may kinalaman dito. Ang hindi sasamba sa anti-kristo at magpapatatak ay papatayin!
Ang 7 Taong walang katulad na Kapighatian
Sa panahong nagkawalaan na ang mga totoong kristiyano, ito ang magiging hudyat ng pagsisimula ng sinasabi ng Bibliya na pitong(7) taong matinding kapighatian ng buong daigdig, sinasabing ito ay walang katulad. Ang sabi ng matatanda, pinakamahirap daw na panahon ay yaong panahon ng giyera, ngunit si Hesus mismo ang nagsabi sa Mateo 24:21, ito ay walang katulad at di pa nagaganap sa mga panahong nakalipas. Talagang ibubuhos na ng makatarungang Diyos ang pagngingitngit Niya sa sangkatauhang bumalewala sa inaalok Niyang kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak. Ang kakilakilabot na panahong ito ay tinatawag ng Bibliya na "matinding kapighatian". Kung baga, dito pa lang sa lupa ay ipapalasap na ng Diyos ang lupit at lagim ng impiyerno.
Ayon sa mga impormasyon ng Bibliya, magkakaroon ng mga trahedya ng mga planeta sa kalawakan. Mangingitim ang araw, magiging kulay dugo ang buwan. Ang ang mundo ay lulukuban ng mga nakamamatay na salot, mga nakakahawang sakit, sunod-sunod na teribleng lindol at kung ano-ano pang nakakahilakbot na kaganapan. Bata, matanda, mga taga-iskuwater o milyonaryo at sikat ay parehong dadaing sa matinding sakuna ano pa't dahil wala nang makain ay kakainin na ng hilaw ang mga bangkay na nagkalat sapagkat wala nang pwede pang maglibing sa mga ito. Napakalinaw ng sinabi ng Bibliya, Pahayag 9:18, sa 3 salot pa lang ay ikatlong bahagi na ng populasyon ang mamamatay. Sa Pahayag 8:11, napakarami ring mamamatay dahil sa tubig na maiinom. Milyon-milyon din ang mamamatay dahil sa sunod-sunod na lindol at pagbagsak na mula sa kalawakan. Ipinapalagay na ikatlong bahagi ng sangkatauhan lang ang matitirang buhay matapos ang 7 taong matinding pagdurusa.
Maaaaring akalain ninuman na mayroon pa ring magsisisi habang nagaganap ang 7 taong pagdurusa. Ngunit ang linaw ng sinasabi ng Bibliya sa Pahayag 9:20-21, sa katakot-takot na daranasin ng mga tao sa panahong yun ay hindi pa rin sila magsisipagsisi. Ang pagkakataong magsisi ay hanggang sa panahon lamang na hindi pa dumarating ang Panginoong Hesus. Ang nakakapangilabot na katotohanan ay marami sanang nakarinig ng Salita, napunta at nakadalo sa mga gawain ng mga kristiyano ngunit daranas ng matinding kapighatian dito pa lang sa lupa sapagkat kabilang sila sa binabanggit ng 2 Tesalonica 2:10-12 na-
"...maliligtas sana ang mga taong ito kung tinanggap nila at minahal ang KATOTOHANAN (ang Panginoong Hesus), kaya't hinayaan na lang sila ng Diyos na mabulid sa teribleng pagkakadaya upang sila ay maparusahan, sila na bumalewala sa katotohanan at mas piniling magpakaligaya sa katiwalian!"
"Mula sa kalangitan, masasaksihan nila ang Panginoong Hesus, kasama ang Kanyang mga anghel na naglalagablab upang ibuhos ang paghihiganti sa mga taong hindi kumilala sa Diyos at lumapastangan sa ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Kristo". (2tesalonica 1:7-8)
Talagang Darating na ang Panginoong Hesus!
Sa mga hindi naniniwala, ang pagbabalik ni Hesus ay nangangahulugan ng tiyak na kaparusahan, malagim at kahindik-hindik na kaparusahan dito pa lang sa lupa (7taon) at ang kasunod ay panghabang panahong pagdurusa sa impiyerno. Ngunit sa mga totoong mananampalataya (tunay na kristiyano) ang pagbabalik ni Hesus ay:
1)Pag-asang Napakapalad (Tito 2:13)
Sa pagbabalik ng Panginoong Hesus, bibigyan Niya ng makalangit na kalikasan ang katawang pisikal ng bawat mananampalataya. Ang katawang mahihina, nagkakasakit at nasasaktan ay gagawing makalangit at imortal katulad ng maluwalhating katawan ng Panginoong Hesus nang Siya ay muling nabuhay.
2)Pag-asang Nagbibigay kaaliwan (ITesalonica 4:18)
Ang bawat totoong kristriyano ay dadanas ng pag-uusig kung paanong inusig ang Panginoong Hesus.(Juan 16:33) Sapagkat nagngingitngit ang mga makasanlibutan/makasalanan sa mga taong maka-Hesus (2 Timoteo 3:12). Ngunit anumang pagtitiis ng mga nanalig kay Hesus ay nasasapawan ng kagalakang dulot ng pag-asang si Hesus ay babalik! (1Corinto 2:9)
3)Pag-asang Nagpapadalisay ( 1Juan 3:3)
Nauunawaan ng mga naghihintay sa Panginoong Hesus na kaya sIYA ay babalik ay upang dalhin sa espesyal na lugar na Kanyang inihanda. (Juan 14:2-3) At ang lugar na inihanda ng banal na Diyos ay banal na lugar para lamang sa mga pinaging banal. Ang sinumang may hinihintay na espesyal na darating ay matinding preparasyon ang ginagawa. Isa sa mga preparasyon ay ang pagpapakalinis at pagpapaganda.
Seryosong ipinapaalala ng Bibliya na ang lahat ay tatayo sa harapan ng luklukan ng Dakilang Hukom upang ipagsusulit natin ang lahat nating ginawa habang nandito pa sa mundong ito, lahat ay dadaan sa paghahatol ng Diyos, mabuti man o masamang ginawa ng bawat tao. 2 Corinto 5:10
HANDA KA NA NGA BA SA NAPAKALAPIT NANG PAGBABALIK NG PANGINOONG HESUS?
Kung talagang seryoso kang naniniwala na si Hesus ay malapit na ngang dumating, ang mga sumusunod ay karaniwan mo nang pinapahalagahan. Nauunawaan mo kung gaano kahalaga ng mga ito:
1.Pagpapakasipag sa gawain ng Diyos. Alalahanin natin na ang bawat iniligtas ng Panginoon ay may mga kanya-kanyang misyon na gagampanan. Unang-una na nga dito ay ang pagbabahagi ng kaligtasan sa mga napapahamak.
2.Pagpapakalalim sa biyaya at pagkakakilala sa Panginoong Hesus. Ito ay sa pamagitan ng pagsasaliksik at pag-aaral ng Bibliya. Kailangang-kailangan natin sa panahong ito ang mga instruksiyon ng Diyos dulot ng Kanyang Salita.
3.Seryoso at marubdub na pananalangin. Sobrang mahalaga ang patuloy na pakikipagniig sa Panginoon Hesus sa panalangin upang mapaglabanan natin ang mga nakaambang panunukso ng diablo.
4.Patuloy na paglimot at pagkakait sa sarili. Hinihikayat ng Diyos na maging patay na tayo sa ating laman. (Juan 12:24) Ito ang sekreto para sa mabungang buhay-kristiyano!
5.Pakikiisa at pakikisama sa mga totoong kristiyano. Maging kalakasan sa bawat kapatiran. Ngunit maging maingat, sapagkat napakaraming nasa gawain ng Diyos na hindi naman talaga totoong nagsisuko ng buhay kay Hesus. Maraming peke ngayon sa kalipunan ng mga kristiyanong pagtitipon. Ang ilang nga sa mga ito ay may palagay na totoo rin sila pero ang pamumuhay ay walang pagkakaiba sa mga makasanlibutan.
6.Maging mapagbantay sa mga lalang ng diyablo. Maging mapangahas na tadyakan at palayasin si satanas. Makipagbuno sa espirituwal!
7.Pahalagahan, laging sangguniin ang Banal na Espiritu. Tanging sa lakas, gabay at kapangyarihan lang ng Banal na Espiritu ang ating katagumpayan.
Alalahanin natin: Kung saan tayo madalas, doon tayo daratnan ng Panginoong Hesus!
MARANATHA
Kapag nagkikita-kita ang mga kristiyano noong unang panahon, ang pinakabatiaan nila ay "Maranatha!" (1Corinto 16:22) na ang ibig sabihin "Paparating na ang Panginoon!" Hindi sila pinigilan ng Banal na Espiritu na gawin yun, gayong dadaan pa ang 2,000 taon baga maganap ito at ang unang naganap sa kanila ay ang pagdating ng kamatayan. Kung ginawa nila yun at aprubado sa Diyos, mas dapat lang na gawin natin ito sa ating kapanahunan sapagkat sa henerasyon natin matutupad ang ipinangako Niyang pagbabalik...Maranatha!
WALANG nakakaalam ng oras at araw ng pagparito muli ng PAnginoon ngunit may isang tao ng pinahayagan ng panahon o mga bahagi ng panahon ng muling pagparito ng Panginoon ,walang iba kundi ang sinugo ng Panginoon dilit ibay ang Apostol sa kawakasan ng Huling Araw.
TumugonBurahinNgunit siya ay nag bigay ng mga senyales sa Kanyang muling pag babalik kaibigan at lahat yan ay nararanasan na natin sa ating kapanahunan. Maging handa at wag mag bulag bulagan!
TumugonBurahin:) God bless!