Ang Panginoon mismo ang naglarawan kung ano ang kalagayan sa panahong babalik na nga Siya (Lucas17:28-30). Ito ay katulad ng panahon ng sinaunang lungsod ng Sodom at Gomorah kung saan talagang garapalan ang kabaklaan at kalaswaan kaya tinupok ng banal na Diyos ang mahahalay na mga lungsod. Sa aking obserbasyon, nasa kapanahunan na natin ngayon ang paglalarawang ito. Sa maraming pagkakataon ay nasaksihan ko mismo ang hayag-hayagang pagpapakita ng abnormal na relasyon ng mga magkakapareha na parehong lalaki at parehong babae sa mismong pampublikong lugar. Hindi pa natatagalan nang muli akong makasaksi ng parehong lalaki na naglalambingan sa loob mismo ng bus at hindi alintana kahit sila'y tinitingnan ng mga katapat na pasahero. Talagang isinantabi na nila ang kahihiyan at para bagang ipinapangalandakan ang mga salitang tulad nito- "Buhay namin to,ano'ng pakialam n'yo? Nasa malaya tayong bansa, gagawin namin anumang makapagpapaligaya sa amin. Kung kasalanan 'to,e kayo ba'y walang kasalanan?"
Maaaring ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit naglantad ang mga kilalang personalidad na sina Rustom Padilla, Charise Pempenco, Jason Collins, Raymond Alikpala at iba pa.
Isa sa karaniwang dahilan ay ganito- "Pagod na ako sa pagtatago, ayokong patuloy na lokohin ang sarili ko at mga tao.". May mga nagsasabing dapat daw hangaan ang mga ito, at ang mga humahanga ay siyempre nasisiyahan. Kahanga-hanga at kasiya-siya nga ba ang mga ginawa nilang pagkukumpisal sa publiko ng kanilang mga "totoong" katauhan? Katanggap-tanggap ba ito sa pamantayan ng Diyos? Tatalakayin natin ito sa liwanag ng Salita ng Diyos. Nais ko munang magbigay ng paunang ideya kung ano ang sagot sa aking katanungan- alam natin, na sina Rustom at Charise ay may mga taong nagmamalasakit at tunay na nagmamahal sa kanila, walang iba kundi ang kanilang mga kaanak o kadugo, ano ba ang natural na reaksiyon nila nang mangumpisal sina rustom at Charise sa publiko? Humanga kaya sila at tuwang-tuwa? May nakarinig ba kay Robin Padilla na nagsabing- "Bravo!Ha,ha, ang galing, kapatid ko ata 'yan!"
Ako'y nakatitiyak, nang magladlad sina Rustom at Charise, may mga nagmamahal sa kanila na napaluha, at maaaring patuloy pa ring lumuluha. Tiyak ko rin, na Siya na higit na nagmamahal sa mga ito ang higit na nasasaktan sapagkat Siya mismo na Maylikha ng 2 uri lang na kasarian ay nilalapastangan. Ang sabi ng Genesis 1:26-27, nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis, o kalarawan ng Diyos; isang lalaki at isang babae! Samakatuwid ang isang lalaki, at isang babae ay kalarawan ng Diyos, ngunit kung mgakakaroon ng karagdagang kasarian, HINDI na ito kalarawan ng Diyos, at hindi na rin ito mula sa Diyos! hindi maaaaring pasubalian na ang Diyos ang may lalang sa bawat may hininga. Ang Diyos ay nilalapastangan kung ang Kanyang minamahal na obra-maestra ay sirain ang orihinal na imahe. Mayroon akong nabasang nakakagimbal na kapahayagan, isang napakasalaulang kamangmangan, ganito ang sinabi ng kahabag-habag na taong ito: "Ang kabaklaan ay espesyal na biyayang galing sa diyos."(!!??!!??!!??) (http://suspensionofdisbelief.wordpress.com/2012/06/15/god-loves-lgbts-says-ex-seminarian-author/)
Sinong "diyos" kaya ang tinutukoy ng kaawa-awang taong ito? Tingnan natin ang totoong damdamin ng tunay na DIYOS patungkol sa kabaklaan. Buklatin natin ang mga pahina ng Bibliya ng mga katoliko: ayon sa Levitico 18:22, ang kabaklaan ay karumaldumal o kasuklam-suklam. Inihilera ito sa mga seksuwal na kasalanan tulad ng pagtatalik ng magkakapatid o magkakamag-anak. Kung titingnan natin ang pagkakasunod-sunod sa talaan ng mga kasalanan sa Levitico 18, ang kabaklaan ay nasa pagitan ng pag-aalay ng kanilang mga anak bilang sakripisyo sa diyablo (ang katumbas nito ngayon ay ang pagbubulid sa prostitusyon ng mga magulang sa kanilang mga musmos) at ang pakikipagtalik sa hayop. Ang kabaklaan ay napapagitnaan na kapareho niyang karumaldumal na kasalanan. Paano bang masasabi na ang kabaklaan ay "biyaya", samantalang ang totoo at banal na DIYOS ay nagsasabing PATAYIN ang mga lalaking mahuhuling nagsisiping. Malinaw ang pananalita ng Diyos sa Levitico 20:13, parehong dapat mamatay ang mga lalaking gumagawa ng gayong kalaswaan. Kung ang kapareha ay nagsasabing pinagbibigyan lang ang kabaklaan ng katalik na bakla, ay pareho lang ang bigat ng kanilang kasalanan.
Kung ikakatwiran na ang talatang ito ay sa lumang tipan pa, at sasabihing iba na ngayon sapagkat panahon na ng pag-ibig ng Diyos at mahal ng Diyos ang mga "bakla" (hindi ko pasusubalian ito, sang-ayon ako dito!)."Iba na daw ang sinasabi ng Bibliya sa Bagong Tipan". Tingnan natin kung nagbago na ba ang damdamin ng Diyos sa kabaklaan sa Bagong Tipan. Muli nating buklatin ang Bibliya ng katoliko sa Roma 1:26 "Gayon din ang ginawa ng mga lalaki; ayaw nang makipagtalik sa mga babae, kundi sa kapwa lalaki na rin nahuhumaling. Ang ginagawa ng mga ito ay NAKAHIHIYA, kaya't HINDI NILA MAIIWASAN ANG PARUSA SA KANILANG KARUMALDUMAL NA GAWAIN." Mabigat ang sinasabi ng Salita ng Diyos sa 1 Corinto 6:9-11. Tahasang sinabi dito na ang kabaklaan ay kasingbigat ng lahat ng uri ng krimen o kasamaan ng tao. At walang puwang o bahagi sa kaharian ng Diyos ang kabaklaan. Sa simpleng pananalita, ibubulid sa impiyerno ang tumatangkilik (umaamin,ipinagsisigawan, ipinangangalandakan) ang kabaklaan/katomboyan.
Sa mga argumentong nabanggit ayon sa Salita ng Diyos, malinaw na hindi kalugod-lugod sa Diyos ang pag-amin nina Charise at Rustom sa kanilang "kakaibang kasarian" sa maraming tao. Ano pa nga ba ang normal na reaksiyon kung meron ding magpapahayag na; "Hindi ko ikinahihiya, e talagang mahilig akong sumiping sa mga hayop.","Hindi ko na kayang itago, paborito kong katalik mga musmos na bata.","Ganito talaga ako, kasiyahan ko nang pumatay ng tao." Ganito kabigat at kagimbal-gimbal ang katumbas ng naging deklarasyon nina Rustom at Charise. Pwede sana itong maging makabuluhan kung ang pag-amin ay MAY KALAKIP NA PAGSISI AT PAGKILALA NA KASUKLAM-SUKLAM SA DIYOS ANG KANILANG NAGING KALAGAYAN AT HANDA NILANG ISUKA ITO AT GANAP NA TALIKURAN ALANG-ALANG SA PANGINOONG HESUS. Posible lamang itong mangyari kung ang sinumang nag-aakalang may "kakaibang" kasarian ay maniwalang hindi galing sa Diyos ang kabaklaan at hangaring palayain ng Diyos at manalig sa nag-alay ng buhay doon sa krus! Manalig na mapapatawad sila ng Diyos, isuka lang ang kabaklaan at yakapin ang kabanalan ng Diyos! Paanong magiging katanggap-tanggap sa Diyos ang pag-amin nina Rustom, Charice, Jason at iba pa gayong ito ay magiging hudyat na magpapailanlang na sila sa kahalayan at kaabnormalan? Hindi na sila magtatago, ilalantad na nila ang buhay at pamumuhay na taliwas sa larawan ng Diyos! Buhay na dapat ikahiya ngunit ikinararangal o ibinabandila na! Ganitong-ganito noong panahon ng Sodoma, darating na nga ang Panginoong Hesus!
Abangan sa susunod na talakayan, bagama't kasuklam-suklam sa Diyos ang kabaklaan, mahal na mahal ng Diyos ang nagtataglay ng "kakaibang kasarian"! At sa pagmamahal ng Diyos, hangad Niyang mapalaya ang mga naalipin ng kabaklaan o katomboyan! Ano ba talaga ang sanhi ng kabaklaan. Paano mapapalaya ang mga nabitag nito? Nais pa rin ng Diyos na makasama sa kalangitan ang sinumang napasailalim ng kabaklaan. May tiyak na pag-asa, may inaalok na kaligtasan para sa lahat!
Hindi lang imoral o makadiyablo, sobrang mapanganib ang kinawiwilihang programang "My Husband's Lover". (Alamin kung bakit sa mga susunod na talakayan.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento