Hindi na talaga mapag-aalinlangan pa,talagang paparating na ang Panginoong Hesus. Siya mismo ang nagsabi sa Lucas 17:28-30 na ang kapanahunan ng Kanyang muling pagbabalik ay katulad ng panahon ng 2 bayang nabanggit sa Genesis 18:20, ang Sodoma at Gomorah. Paano nga ba ilalarawan ang panahon ng Sodoma at ihahalintulad sa ngayon? Binanggit ng Genesis 18 at 19 na ang 2 magkalapit na lungsod na ito ay sukdulan na ang kasamaan at kahalayan na siyang dahilan kung bakit sila ginunaw ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakatupok. Ang pinakatalamak sa Sodoma na siya ring lumalaganap sa panahong ito na nalalapit na ang pagbabalik ni Hesus ay ang kasamaan ng kabaklaan. Lantaran at garapalang kabaklaan. Sa Genesis 19:5 ay naitala dito na pati mga anghel ng Diyos ay gustong gawan ng kalaswaan ng mga tagasodoma. Sa panahon natin ngayon, garapalan na rin ang kabaklaan at para bagang ito ay natural na lang. Katulad ng nakasaad sa Filipos 3:19, "ang mga bagay na dapat ikahiya ay ikinararangal pa!" Bakit nga ba dumarami ang mga binabae at mga tomboy sa ngayon? E ang sabi nga, hindi naman sila nanganganak, ngunit padami ng padami at sa halip na ikubli ang kahihiyan ay inilalantad pa at kinawiwilihan naman ng marami. Indikasyon lang ito na nandito na nga tayo sa huling panahon na sinasabi ng Biblia.Noong mga mga nakalipas na 20, 30, o 40 taon meron na bang mga personalidad na kilala at kinagigiliwan ng lipunan katulad nina Vice Ganda, Boobay, Boy Abunda, Allan K. at marami pang iba.
Sabagay ang mga personalidad na nabanggit ay wala namang ibang hangad kundi ipakita ang kanilang mga talento at kumita ng pera, nagkataon naman na sila ay klik na klik sa mga tao at sa unang tingin ay hindi sila kasingsama ng mga tagaSodoma na mapangahas na ipakita ang kanilang kabaklaan. Ngunit isa ang malinaw, ang garapalang pagsalungat sa kalooban ng Diyos na luwalhatiin Siya sa pamamagitan lamang ng 2 uri lamang na tao na Kanyang nilalang, isang lalaki at isang babae. At kung ang isang lalaki ay lumihis sa pamantayan na pagiging ganap na lalaki ay isang matinding paglapastangan sa Diyos, gayon din naman ang babae. Ang paglihis sa orihinal na disenyo ng Panginoong Diyos ay karumaldumal at isang pagsasalaula. Ang mga kasalaulaang ito ay kabilang sa mga tanda na babalik na nga ang Panginoong Hesus. Nais kong linawin: ang mga binabae at tomboy ay kabilang sa labis na minamahal ng Diyos, kalooban ng Panginoon na sila ay iligtas at palayain sa kanilang kinasadlakan, ngunit kailanman ay hindi kinukonsenti ng Diyos ang kabaklaan, katomboyan at anumang porma ng kalaswaan at kahalayan. Sapagkat ang mga ito ay hindi galing sa banal na Diyos kundi sa diyablo na laging kumakalaban sa disenyo ng matuwid na Diyos.
Katanggap-tanggap ba sa Panginoon ang ginawang paglaladlad nina Rustom Padilla at Charice Pempenco? (Abangan sa susunod na mga pagtatalakay.)
Ano ang Panganib sa sinusubaybayang ngayon na My Husband's Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Dennis Trillo at Kuh Ledesma? (Abangan sa mga susunod na mga pagtatalakay.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento