Biyernes, Hunyo 28, 2013

Katulad ng Panahon ng Sodoma Part 3

   Sinabi ng Bibliya na sa huling panahon kapag malapit nang dumating ang Panginoong Hesus, ang diyablo ay talagang magwawala o magngingitngit ng matindi. Ibubuhos na niya nang todo ang kanyang pwersa ng kasamaan dahil limitado na ang kanyang mga araw.(Pahayag12:12). Kabilang sa matinding atake niya sa sangkatauhan ay ang pagpapasabog ng grabeng kasinungalingan at pagpapalaganap ng kabaklaan na labis na kinasusuklaman ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng Banal na Kasulatan, nais kong bigyang diin sa ating paksa ngayon ang kasagutan ng mahahalagang tanong kaakibat ng kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan na sa aking palagay ay talagang mala-Sodoma na nga.  
  
 1) Anong mga kasinungalingan patungkol sa kabaklaan ang pinalalaganap ng diyablo?
  2) Bakit lalong lumalaganap at hayag-hayagan na ang kabaklaan? Ano ang panganib sa likod ng programang "My Husband's Lover?"
  3) Ano ang inilalaan ng mapagmahal na Diyos sa mga naaalipin ng kabaklaan/katomboyan?

   Sinabi ng Panginoong Hesus na ang pangunahing tatak ng diyablo ay ang pagiging sinungaling at ama (may akda) ng kasinungalingan. Espesyalidad ni satanas ang baluktutin ang katotohanan at nagtatagumpay siya sa larangang ito. Talagang dito  siya eksperto, marami siyang napapaikot at ito yaong mga taong nabubulag niya sapagkat ang mga taong ito ay hindi interasado sa Panginoong Hesus at sa Kanyang Salita (ang Biblia). (2Corinto4:4). Pangunahing kasinungalingan na ipinapakalat ni satanas patungkol sa kabaklaan ay ang kaisipang ito:

    "Nilikha ako ng Diyos, hindi siya maaaring magkamali, kaya't sa kanya galing ang "kakaiba" kung kasarian!". Dumadampot din ang diyablo ng ilang bahagi ng Salita ng Diyos upang isuporta sa kanyang katusuhan. Totoong ang Diyos ang may likha at hindi Siya maaring magkamali, ngunit kung idadagdag na galing sa Diyos ang "ibang" kasarian (kabaklaan/katomboyan) ito ay napakalaking kasinungalingan buhat sa impiyerno! Dalawang kasarian lamang ang ibinibigay ng Diyos sa taong Kanyang nilikha(Genesis 1:27) ngunit ang tao ay nakumbinsi ng diyablo na tumanggap ng "ikatlong" kasarian na galing mismo sa kanya ngunit ibinibintang na galing daw sa Diyos. Ang kasinungalingang ito ay maririnig na sa mga makasanlibutang kanta ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, may ang isang kanta na may ganitong linya, "I was born this way!" Ang kasinungalingang ito ang nasa likod kung bakit nagpoprotesta ang mga nagtataglay ng "ikatlong" kasarian.

  Isang malaking kabaliwan ang iginigiit ng mga nagsasabing kabilang sa "LGBT", bakit pa sila hihirit ng espesyal na karapatan, samantalang hindi naman inaalis sa kanila ang karapatan na laan sa isang lalaki o sa isang babae? Ito pa ang kasinungalingan ng diablo patungkol sa kabaklaan:


   "Masanay na tayo sa kabaklaan, alisin ang diskriminasyon at dapat na itong tanggapin ng lipunan." Isa lang ang totoo at nararapat dito, ang alisin ang diskriminasyon. Ang respeto, habag at pagmamalasakit ay marapat lamang na igawad sa lahat ng nilikha ng Diyos. Isa-alang-alang ang damdamin at karapatan. Ngunit ang pagtanggap at masanay sa kabaklaan ay kasinungalingang galing sa impiyerno, sapagkat kahit kelan ay hindi ito matatanggap ng banal na Diyos. Napakalinaw na sinabi ng Bibliyang katoliko na ang kabaklaan ay kahilera ng mga karumaldumal na kasalanan at krimen. (pakibalikan ang nakaraang pagtatalakay). Marami nang nakumbinsi ng kasinungalingang ito na dapat nang tanggapin ng lipunan ang kabaklaan, samantalang kasingbagsik ng kabaklaan ang pagtatalik ng magkakadugo, pagsiping sa hayop, pakikiapid, pangangalunya at pagpatay. Ang mga nabanggit ba na kasingkategoriya ng kabaklaan ay dapat na ring tanggapin ng lipunan? Ngunit marami na talagang nadadaya. Kababalita lang ng isang programa sa telebisyon na nagduet si Charice at ang kanyang kasintahang babae. Ano ang tawag dito? Sa publiko nagdu-duet sila, e ano ba ang ginagawa ng mga magkakarelasyong lalaki sa lalaki at babae sa babae sa kanilang mga pribadong sandali? Hindi ba nakakarimarim ito? Ang mga gumagawa ng karumaldumal na bagay ay naitatampok na sa mga programa. Ang linaw ng sinabi sa Levitico 18:22 "Ang kabaklaan ay karumaldumal!". Ang salitang karumal-dumal ay kasingkahulugan ng kasukla-suklam na kahihiyan. Kaya nga praktikal na udyok patungkol sa kahihiyan ay ang itago ito. Ngunit sa panahon ngayon, mistula na ngang panahon ng Sodoma, ang kahihiyan, na sa halip ikubli ay naitatampok na sa mga pinagkakakitaang programa at nagiging karaniwang libangan (kinaaaliwan/ kinakikiligan) na sa loob ng mga tahanan. Isang dahilan kung bakit lalong lumalaganap ang kabaklaan ay dahil maraming ahente at instrumento ang diablo na pasabugin ang kasinungalingan na dapat nang tanggapin ng lipunan ang kabaklaan/katomboyan.

    Sa mga tumatangkilik ng isang tv network, at yaong sumasagap ng mga pang-araw-araw na balita, malamang na pamilyar sa kanila ang pinag-uusapan ngayong tele-serye ang "My Husband's Lover" sapagkat ito ay pamaya-mayang iniindorsong panoorin sa bawat programa ng network na nabanggit. Matagal na akong walang alam kung ano sa nakalipas o sa kasalukuyan ang sinusubaybayang teleserye mula sa  mga pangunahing tv network. Ngunit nakatawag sa aking pansin ang kontrobersiyal na programang ito at sandali ko itong inupuan. Konting eksena lang ang napanood ko ngunit nayanig agad ang aking kamalayan- isang paglapastangan sa Diyos ang teleseryeng ito.  Nangingimi o nangingilo akong tingnan ang mga eksenang ipinakikita sa palabas- ang madamdamin at marubdob na pagmamahalan ng 2 lalaki, hindi bilang magkaibigan kundi ng 2 lalaking nag-iibigan at ang masaklap pa nito, ang programang ito ay tumatanggap ng mga papuri, paghanga at pagtangkilik! Masasabi kong talagang mapanganib ito sapagkat bagamat likhang isip lang ang kwento, ito ay maaaring maganap o karaniwan nang nagaganap na sa mga totoong buhay. Mas magaan pa ang pinsala kung ito ay katulad lang ng mga pantasyang karakter tulad nina Indio, Darna at Kapitan Barbel sapagkat ang mga ito ay mahirap dalhin sa totoong buhay. Samantalang ang teleseryeng ito ay madaling gayahin at impluwensiyahan ang mga tao lalo na ang mga kabataan! Hindi ko alam kung ano paano tatapusin ang kwento ng mga malikhaing kaisipan sa likod ng programang ito, malinaw naman ang pinakamotibo ng ganitong programa,hulihin ang kiliti ng mga tao para humakot ng pera ang istasyon at lalo pang sumikat ang mga artista.  Bakit nga ba hindi sina Roderick P,o si Michael V.,si Bentong, o Pekto ang kinuha sa mga pangunahing karakter? Hindi nga naman ki-klik sa may mga "kakaibang" kasarian. Ewan ko lang kung ang mga tao sa likod ng programang ito ay may pagkonsidera sa kapakanang moral at espirituwal ng mga manonood lalo na ng mga kabataan. May ideya kaya sila na balang araw ay mananagot sila sa Diyos (Mangangaral 12:14). Alam kaya nila ang sinasabi ng Bibliya ng Katoliko sa Mateo 18:6 na "Mabuti pa na bitinan ng gilingang bato ang leeg at ihulog sa dagat siya/sila, na nagiging sanhi upang magkasala ang sinuman..."? Kung pwede nga lang akong magbigay ng suhestiyon sa mga manunulat ng dramang ito kung paano wawakasan ang kwento upang maging makabuluhan naman ang programang ito. Imumungkahi ko na wakasan kaagad-agad ang kwento sa pagsisisi ng mga pangunahing karakter. Matatauhan sila na sobrang napakasama ang relasyong lalaki sa lalaki, ito ay sapagkat nakilala nila ang totoong Panginoong HESUS, ang Dakilang Tagapagpalaya sa pagkakaalipin ng diyablo ng kabaklaan. O kaya naman tapusin kaagad-agad ang kwento sa masaklap na kinahinatnan ng mga karakter upang ipakita sa marami lalo na sa mga tumatangkilik ng kabaklaan na kasumpa-sumpa ang relasyong ito at dapat lang na parusahan ang mga nagpapaalipin dito. Posible kaya ito, kung ang mga nasa likod ng programa ay mga taong walang pagpapahalaga sa totoong Diyos sa halip ay mga tagapagtaguyod ng kabaklaan? Nakatitiyak ako sa isang bagay, kung tatagal pa ito sa ere, ang bawat kabanata nito ay patuloy na magsasabog ng kasinungalingan ng diablo at magtataboy sa mga tao papalayo sa Diyos at babalewalain ang mga sinabi Niya sa Levitico 18:22, Levitico 20:13, Roma1:27, 1Corinto6:9 at marami pang iba. Malaki ang paniniwala ko na nakaambag ng malaki ang mga pelikula noon nina Dolphy, Roderick, Joey de Leon at iba pa na gumanap bilang mga binabae kung bakit lalong dumami ang mga binabae sa mga sumunod na henerasyon. Kung tutuusin karamihan sa mga pelikulang yon ay mga katatawanan, hindi man sineryoso ng mga manonood pero naging maimpluwensiya pa rin! Ito pa kayang teleseryeng ito na masyadong seryoso? Ang kataksilan sa buhay may-asawa ay kasuklam-suklam na sa Panginoon, ngunit hindi lang, pangangalunya at pakikiapid ang ibibenta ng teleseryeng ito kundi ang karumaldumal na kabaklaan na nasa anyong glamoroso, makabagbag-damdamin at kaabang-abang. A, panahon na nga ng Sodoma at Gomorah! Paparating na ang Panginoong Hesus!

Saan galing ang kabaklaan, at bakit lalong dumadami?

   Nabanggit ko nga, na nasa huling panahon na tayo, at ito'y ipinauna na ng Panginoon na katulad ng panahon ng Sodoma ay aalagwa talaga ang kabaklaan sapagkat ang may akda at pinanggalingan nito (walang iba kundi si satanas) ay doble-kayod sa paghatak at pagkumbinsi na maging mga binabae ang mga lalaki at gawing tomboy ang mga babae sa tulong ng kanyang mga ahente na nasa media ngayon. Gusto kong bigyan ng diinat ulitin ito- galing kay satanas ang kabaklaan, sapagkat kailanman man hindi lilikha ang Diyos na kanyang kasusuklaman at tatawagin pa Niyang karumaldumal!(Levitico 18:22). Ngunit bakit naipapahintulot ito? Ganito ang paliwanag mula sa Bibliya:

   Nang magrebelde si satanas sa Diyos, (Ezekiel 28:12-15, Isaiah 14:9-14), siya ay pinalayas sa kalangitan. At sa kanyang pag-ngingingit laban sa Diyos, ninasa na niyang itulak ang sangkatauhan na samahan siyang magrebelde laban sa Maylikha. Ibinaling niya lahat ng kanyang pwersa sa obra-maestra ng Diyos, ang tao. At siya ay nagtagumpay-naitulak niya sa pagkakasala ang tao. Nang magkasala ang ating mga ninuno (si Adan at Eva), ang sangkatauhan ay nasadlak na sa kalikasan ng pagkakasala. (Roma 5:12, Roma 3:23, Roma 3:9-10). Obserbahan nyo ang mga musmos, sa una ay inosente sila, ngunit di man sila turuan, sa pagkakamulat ng kanilang kaisipan, sila ay mahuhulog na sa pagkakasala. Kamakailan, napabalita ang 12 anyos na batang lalaki na nagmolestiya ng 3 gulang na bata. Ito ay dahil gumagana na ang makasalanang kalikasan bunga ng pagkakasala ng ating mga ninuno. At sa pagtangkilik ng kasalanan, nabibigyan na niya ng karapatan ang diablo. Nagkakaroon na ng poder ang diablo sa buhay ng mga tao kung kaya ang orihinal na disenyo ng banal na Diyos ay nawawasak na. Sinasakop na ng diablo ang sangkatauhan na dati ang Diyos lang ang may karapatan. Ang anumang likha at galing sa Diyos ay sinisira, ninanakaw at pinapatay ng diablo at ito ay sinabi mismo ni Hesus sa Juan 10:10. Ang orihinal na wangis ng pagkakalikha ng Diyos sa tao sa pagkakaroon ng 2 lamang na kasarian ay sinasalaula ng diablo sa pagpapakilala niya ng "ikatlong kasarian". At ito ay sa pamamagitan ng mga pinangalat niyang mga alipores- ang mga masasamang espiritu (mga demonyo). 
   

  Ang kabaklaan ay kabilang sa masasamang espiritu na pinakawalan ni satanas. At hindi lang kabaklaan ang sinasakop ng katotohanang aking nilalahad. Lahat ng manipestasyon sa pagkakasira ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa tao ay dulot ng mga masasamang espiritu na pinakawalan ng diablo sa buhay ng mga taong makasalanan na napunta sa poder niya. Hindi lang kabaklaan, kundi kasama na rin dito ang pagkamanyak, pagsisinungaling, kayabangan, pagkasuklam, pagkamakasarili, pag-iimbot, katakawan, paninirang-puri, pagkagumon sa bisyo, kalaswaan/pornograpiya, pagnanakaw, kalupitan, pagpatay at napakarami pang iba. Ito ang mga masasamang espiritu na pinakawalan ng diablo na naninirahan sa mga natural na tao na wala pang kaugnayan sa Diyos. Isang tunay na naganap ang aking ibabahagi- Isang seryosong kristiyano ang pinahintulot ng Diyos, na sumandaling nabuksan ang kanyang espirituwal na paningin. Sobrang gulat niya nang makakita siya ng tao na maraming kakadiring impakto na naglalambitin sa iba't ibang parte ng kanyang katawan- sa panalangin ay tinanong niya ang Diyos kung ano yong nakita niya. At ang kasagutan ay nasa Mateo 12:43-45. Ang nakita ng mananampalatayang iyon ay mga masasamang espiritu na nakatira sa taong iyon na namumuhay pa sa kasalanan. 
    Isang katotohanan ang makikita sa Lucas 8:2, patungkol sa mga tinutukoy kong masasamang espiritu. Sinasabi sa talatang ito na bago naging tagasunod ni Hesus si Maria Magdalena, ay pinalayas muna mula sa kanya ang 7 masasamang espiritu. Si Hesus ang dahilan kung bakit napalaya siya sa pitong masasamang espiritu. Hindi na nabanggit kung ano yung pitong yon, maaaring isa dun ay espiritu ng katomboyan o espiritu ng tsismis. Nandito ang napakagandang alok mula kay Hesus na napakamapagmahal na Diyos sa mga taong nag-aakalang taglay nila ang "kakaibang kasarian" (kabadingan/katomboyan). 

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo ay bibigyan ko ng kapahingahan! (Mateo 11:28)

  Kabilang sa kapahingahan na iniaalok ng Panginoong Hesus ay ang kalayaan sa pagkakagapos ng anumang masamang espiritu, kabilang na nga dito ang espiritu ng kabaklaan.

Pakinggan natin ang sinabi ng Panginoong Hesus sa Juan 8:32 at 36.
"Makikilala ninyo ang KATOTOHANAN, at ang KATOTOHANAN ang magpapalaya sa inyo!"
"Kapag kayo ay pinalaya ng ANAK, tunay nga kayong malaya!"

   Totoong-totoo, mahal na mahal nga ng Diyos ang mga LGBT, ngunit hindi kasama sa minamahal ng Diyos ang sistema ng pamumuhay o kinahuhumalingan ng mga ito, sa halip gusto ng mabait na Diyos na mapalaya sila sa pagkakaalipin ng kabaklaan/katomboyan. May inaalok na kapahingahan at kalayaan ang mapagmahal na Diyos, tatanggihan mo ba? (Sa mga susunod na paksa, ay sisikapin kong maibahagi ang mga totoong kasaysayan ng mga taong pinalaya ng Panginoong HESUS.)
Kung nais mong tumugon sa panawagan ng Panginoon, kapain mo ang iyong puso habang inuulit mo ang panalanging ito...

  "Panginoong Diyos, salamat sa labis mong pagmamahal sa akin, ipinaunawa mo na ang aking "kakaibang kalagayan" ay hindi galing sa Iyo nais ko pong makalaya sa kasinungalingan ng Iyong kaaway. Patawarin mo ako sa aking kahalayan at kalaswaan at sa marami ko pang pagkukulang. Itinatakwil ko na ang mga ito. Pakalinisin mo po ako. Baguhin, pagalingin at palayain nang lubos. Nagpapasya akong isuko saiyo ang aking buhay. Tinatanggap kita Hesus sa aking puso bilang Hari, Panginoon at Tagapagligtas ng aking kaluluwa. Ako'y nanalig na kaya Ka namatay sa krus upang ako ay tubusin. Alam kong Ikaw lang ang totoong nagmamahal at nakakaunawa sa akin. Tulungan mo akong mahalin din kita ng lubos. Tulungan Mo akong manatiling tapat sa Iyo, ngayon at kailanman. Amen"




Nag-iisang Pag-iibigan ng Parehong Lalaki 
na Kalugod-lugod sa Diyos

  Naitala ng Biblia ang isang pambihirang kasaysayan ng pagkakaibigan. Ito ay ang kasaysayan ng pagkakaibigan nina Jonathan at David na parehong magigiting at tigasing mga mandirigma. Naitala ng Biblia na sila ay nagmahalan bilang magkaibigan.( 1 Samuel 18:1-4.) Parehong pinahalagahan ng dalawa ang isa't isa bilang magkaibigan at ito naman ay malinis na pagkakaibigan. Kahit pa nga may eksena na luhaan at mahigpit na magkayakap sina Jonathan at David. (1 Samuel 20:41) Ngunit kung susuriin ang pagkakatala sa Biblia, ay masasabing higit na marubdub ang pagmamahal ni Jonathan kay David. Naisantabi ni Jonathan ang ama, alang-alang kay David, niregaluhan pa niya ng balabal,kagamitang pandigma, tabak, pana at pamigkis si David.(1Samuel 18:4) Si David ay walang naibigay sa kanya. Pinasumpa pa niya si David na maging tapat sa isa't isa at sinabing ang magtalusira ay parusahan ng Diyos. (1Samuel 20:16) May mga babaing nakarelasyon si David ngunit mas maraming naitala na mahal ni Jonathan si David. (Isamuel 18:1&3, ISamuel 19:1, 1Samuel 20:17).Sa 2 Samuel 1:26 lang naihayag ang pagmamahal at paghanga ni David kay Jonathan at sa talatang ito binanggit ni David na ang pag-ibig sa kanya ni Jonathan ay pambihira at mahigit pa sa pag-ibig ng isang babae. Sina Micol, Abigail, Batsheba ay mga babaing nagkaroon ng kaugnayan kay David ngunit nilagpasan ni Jonathan ang pagmamahal nila kay David. Ang tanong, natuwa ba ang Diyos sa matinding pagmamahal ni Jonathan kay David? Kung pagbabatayan ang naging wakas ng buhay ni Jonathan, masasabi kong hindi natuwa ang Diyos sa ipinakita niyang pagmamahal kay David. Malagim ang kamatayan ni Jonathan. (1Samuel 31:2) Namatay siya kasama ng kanyang ama at 2 kapatid na mga talunan. Natapos sa kasawian ang buhay ni Jonathan.
   Minahal din ni David si Jonathan, ngunit ito'y mababaw lang. Merong higit na minahal si David. Isang marubdub at matinding pag-ibig sa isang Dakilang Lalaki. Kaya niya nilabanan si Goliath sapagkat ayaw niyang hinahamak ang kanyang Minamahal. (1Samuel17:26) May mga gabi na basang-basa ng luha ang kanyang unan sa kaiisip ng kanyang Minamahal (Awit 6:6). Hindi nahiya si David na alayan ng sayaw ang Kanyang Minamahal sa gitna ng maraming tao, na sukat ikainis ng kanyang asawa. (2Samuel 6:20) Hindi basta-basta ang inihahandog niya sa kanyang Minamahal, may halaga ito. (2Samuel24:24) Maraming nakathang awitin si David na inialay niya sa Kanyang Minamahal. Ang mga ito ay naitala sa aklat ng mga Awit. At makailang ulit na sinasambit niya ang katagang "Minamahal kita..."(Awit18:1, Awit 26:8, Awit 116:1 atbpa). Ang Dakilang Lalaking minahal ni David ay ang Panginoong Diyos kung kaya't hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay kinalinga siya at pinagpala ng kanyang Minamahal.

   Sa labingdalawang alagad ni Hesus, merong nabanggit ang Bibliya na tinatawag na isang alagad na minamahal ni Hesus. (Juan 21:20, Juan 13:23, Juan 19:26). At ang tinutukoy nito ay si Juan. Hindi nangangahulugan na hindi mahal ni Hesus ang ibang alagad. Mayroong kakaiba kay Juan na wala sa karamihan. Tanging si Juan lang ang mahilig sumandal o humilig kay Hesus. Masuyo niyang nilalapit ang ulo niya sa dibdib ng Panginoon. (Juan 21:20). Malapit din naman si Pedro kay Hesus, ngunit kinuwestyon ng Panginoon ang pag-ibig nito sa Kanya sa 3 katanungan kay Pedro,  "Simon Pedro, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?" Ngunit kay Juan, walang kwestiyon ang Panginoon sapagkat sa lahat ng alagad, tanging si Juan lang ang nasa paanan ni Hesus habang nakapako Siya sa krus.(Juan19:26) Sa lahat ng alagad ni Hesus, tanging si Juan ang nagmahal sa Kanya ng lubos-lubos. Hindi katakataka, sa 12 alagad ni Hesus, si Juan ang may pinakamaraming naisulat. (Ebanghelyo ni Juan, una, Pangalawa, Ikatlong Sulat ni Juan at ang Aklat ng Pahayag o Apocalipsis). Ayon sa tradisyon ng Israel, dakila naman ang kamatayan ng mga alagad ni Hesus, malupit at martir na kamatayan alang-alang kay Hesus at sa ebanghelyo. Ngunit kakaiba sa lahat ang kamatayan ni Juan. Tanging si Juan ang namatay na matangdang-matanda at isang payapang kamatayan. Hindi na kasi kinailangang patunayan ni Juan sa pagiging martir ang pag-ibig niya sa kanyang pinakamamahal- ang Panginoong Hesus!

   Walang ibang pag-iibigan ng parehong lalaki na kalugod-lugod sa paningin ng Diyos Ama, kundi ang pag-iibigan ng Bugtong Niyang Anak na si Hesus at ang isang lalaking maka-Diyos!




Martes, Hunyo 25, 2013

Tulad ng Panahon ng Sodoma Part2


    Ang Panginoon mismo ang naglarawan kung ano ang kalagayan sa panahong babalik na nga Siya (Lucas17:28-30). Ito ay katulad ng panahon ng sinaunang lungsod ng Sodom at Gomorah kung saan talagang garapalan ang kabaklaan at kalaswaan kaya tinupok ng banal na Diyos ang mahahalay na mga lungsod. Sa aking obserbasyon, nasa kapanahunan na natin ngayon ang paglalarawang ito. Sa maraming pagkakataon ay nasaksihan ko mismo ang hayag-hayagang pagpapakita ng abnormal na relasyon ng mga magkakapareha na parehong lalaki at parehong babae sa mismong pampublikong lugar. Hindi pa natatagalan nang muli akong makasaksi ng parehong lalaki na naglalambingan sa loob mismo ng bus at hindi alintana kahit sila'y tinitingnan ng mga katapat na pasahero. Talagang isinantabi na nila ang kahihiyan at para bagang ipinapangalandakan ang mga salitang tulad nito- "Buhay namin to,ano'ng pakialam n'yo? Nasa malaya tayong bansa, gagawin namin anumang makapagpapaligaya sa amin. Kung kasalanan 'to,e kayo ba'y walang kasalanan?"
   Maaaring ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit naglantad ang mga kilalang personalidad na sina Rustom Padilla, Charise Pempenco, Jason Collins, Raymond Alikpala at iba pa.


   Isa sa karaniwang dahilan ay ganito- "Pagod na ako sa pagtatago, ayokong patuloy na lokohin ang sarili ko at mga tao.". May mga nagsasabing dapat daw hangaan ang mga ito, at ang mga humahanga ay siyempre nasisiyahan. Kahanga-hanga at kasiya-siya nga ba ang mga ginawa nilang pagkukumpisal sa publiko ng kanilang mga "totoong" katauhan? Katanggap-tanggap ba ito sa pamantayan ng Diyos? Tatalakayin natin ito sa liwanag ng Salita ng Diyos. Nais ko munang magbigay ng paunang ideya kung ano ang sagot sa aking katanungan- alam natin, na sina Rustom at Charise ay may mga taong nagmamalasakit at tunay na nagmamahal sa kanila, walang iba kundi ang kanilang mga kaanak o kadugo, ano ba ang natural na reaksiyon nila nang mangumpisal sina rustom at Charise sa publiko? Humanga kaya sila at tuwang-tuwa? May nakarinig ba kay Robin Padilla na nagsabing- "Bravo!Ha,ha, ang galing, kapatid ko ata 'yan!"
   Ako'y nakatitiyak, nang magladlad sina Rustom at Charise, may mga nagmamahal sa kanila na napaluha, at maaaring patuloy pa ring lumuluha. Tiyak ko rin, na Siya na higit na nagmamahal sa mga ito ang higit na nasasaktan sapagkat Siya mismo na Maylikha ng 2 uri lang na kasarian ay nilalapastangan. Ang sabi ng Genesis 1:26-27, nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis, o kalarawan ng Diyos; isang lalaki at isang babae! Samakatuwid ang isang lalaki, at isang babae ay kalarawan ng Diyos, ngunit kung mgakakaroon ng karagdagang kasarian, HINDI na ito kalarawan ng Diyos, at hindi na rin ito mula sa Diyos! hindi maaaaring pasubalian na ang Diyos ang may lalang sa bawat may hininga. Ang Diyos ay nilalapastangan kung ang Kanyang minamahal na obra-maestra ay sirain ang orihinal na imahe. Mayroon akong nabasang nakakagimbal na kapahayagan, isang napakasalaulang kamangmangan, ganito ang sinabi ng kahabag-habag na taong ito: "Ang kabaklaan ay espesyal na biyayang galing sa diyos."(!!??!!??!!??) (http://suspensionofdisbelief.wordpress.com/2012/06/15/god-loves-lgbts-says-ex-seminarian-author/)
   Sinong "diyos" kaya ang tinutukoy ng kaawa-awang taong ito? Tingnan natin ang totoong damdamin ng tunay na DIYOS patungkol sa kabaklaan. Buklatin natin ang mga pahina ng Bibliya ng mga katoliko: ayon sa Levitico 18:22, ang kabaklaan ay karumaldumal o kasuklam-suklam. Inihilera ito sa mga seksuwal na kasalanan tulad ng pagtatalik ng magkakapatid o magkakamag-anak. Kung titingnan natin ang pagkakasunod-sunod sa talaan ng mga kasalanan sa Levitico 18, ang kabaklaan ay nasa pagitan ng pag-aalay ng kanilang mga anak bilang sakripisyo sa diyablo (ang katumbas nito ngayon ay ang pagbubulid sa prostitusyon ng mga magulang sa kanilang mga musmos) at ang pakikipagtalik sa hayop. Ang kabaklaan ay napapagitnaan na kapareho niyang karumaldumal na kasalanan. Paano bang masasabi na ang kabaklaan ay "biyaya", samantalang ang totoo at banal na DIYOS ay nagsasabing PATAYIN ang mga lalaking mahuhuling nagsisiping. Malinaw ang pananalita ng Diyos sa Levitico 20:13, parehong dapat mamatay ang mga lalaking gumagawa ng gayong kalaswaan. Kung ang kapareha ay nagsasabing pinagbibigyan lang ang kabaklaan ng katalik na bakla, ay pareho lang ang bigat ng kanilang kasalanan.
   Kung ikakatwiran na ang talatang ito ay sa lumang tipan pa, at sasabihing  iba na ngayon sapagkat panahon na ng pag-ibig ng Diyos at mahal ng Diyos ang mga "bakla" (hindi ko pasusubalian ito, sang-ayon ako dito!)."Iba na daw ang sinasabi ng Bibliya sa Bagong Tipan". Tingnan natin kung nagbago na ba ang damdamin ng Diyos sa kabaklaan sa Bagong Tipan. Muli nating buklatin ang Bibliya ng katoliko sa Roma 1:26 "Gayon din ang ginawa ng mga lalaki; ayaw nang makipagtalik sa mga babae, kundi sa kapwa lalaki na rin nahuhumaling. Ang ginagawa ng mga ito ay NAKAHIHIYA, kaya't HINDI NILA MAIIWASAN ANG PARUSA SA KANILANG KARUMALDUMAL NA GAWAIN." Mabigat ang sinasabi ng Salita ng Diyos sa 1 Corinto 6:9-11. Tahasang sinabi dito na ang kabaklaan ay kasingbigat ng lahat ng uri ng krimen o kasamaan ng tao. At walang puwang o bahagi sa kaharian ng Diyos ang kabaklaan. Sa simpleng pananalita, ibubulid sa impiyerno ang tumatangkilik (umaamin,ipinagsisigawan, ipinangangalandakan) ang kabaklaan/katomboyan.
   Sa mga argumentong nabanggit ayon sa Salita ng Diyos, malinaw na hindi kalugod-lugod sa Diyos ang pag-amin nina Charise at Rustom sa kanilang "kakaibang kasarian" sa maraming tao. Ano pa nga ba ang normal na reaksiyon kung meron ding magpapahayag na; "Hindi ko ikinahihiya, e talagang mahilig akong sumiping sa mga hayop.","Hindi ko na kayang itago, paborito kong katalik mga musmos na bata.","Ganito talaga ako, kasiyahan ko nang pumatay ng tao." Ganito kabigat at kagimbal-gimbal ang katumbas ng naging deklarasyon nina Rustom at Charise. Pwede sana itong maging makabuluhan kung ang pag-amin ay MAY KALAKIP NA PAGSISI AT PAGKILALA NA KASUKLAM-SUKLAM SA DIYOS ANG KANILANG NAGING KALAGAYAN AT HANDA NILANG ISUKA ITO AT GANAP NA TALIKURAN ALANG-ALANG SA PANGINOONG HESUS. Posible lamang itong mangyari kung ang sinumang nag-aakalang may "kakaibang" kasarian ay maniwalang hindi galing sa Diyos ang kabaklaan at hangaring palayain ng Diyos at manalig sa nag-alay ng buhay doon sa krus! Manalig na mapapatawad sila ng Diyos, isuka lang ang kabaklaan at yakapin ang kabanalan ng Diyos! Paanong magiging katanggap-tanggap sa Diyos ang  pag-amin  nina Rustom, Charice, Jason at iba pa gayong ito ay magiging hudyat na magpapailanlang na sila sa kahalayan at kaabnormalan? Hindi na sila magtatago, ilalantad na nila ang buhay at pamumuhay na taliwas sa larawan ng Diyos! Buhay na dapat ikahiya ngunit ikinararangal o ibinabandila na! Ganitong-ganito noong panahon ng Sodoma, darating na nga ang Panginoong Hesus!


   Abangan sa susunod na talakayan, bagama't kasuklam-suklam sa Diyos ang kabaklaan, mahal na mahal ng Diyos ang nagtataglay ng "kakaibang kasarian"! At sa pagmamahal ng Diyos, hangad Niyang mapalaya ang mga naalipin ng kabaklaan o katomboyan! Ano ba talaga ang sanhi ng kabaklaan. Paano mapapalaya ang mga nabitag nito? Nais pa rin ng Diyos na makasama sa kalangitan ang sinumang napasailalim ng kabaklaan. May tiyak na pag-asa, may inaalok na kaligtasan para sa lahat!


  Hindi lang imoral o makadiyablo, sobrang mapanganib ang kinawiwilihang programang "My Husband's Lover". (Alamin kung bakit sa mga susunod na talakayan.)

Miyerkules, Hunyo 19, 2013

Tulad ng Panahon ng Sodoma ang Panahon ng Pagbabalik ni Hesus

       Hindi na talaga mapag-aalinlangan pa,talagang paparating na ang Panginoong Hesus. Siya mismo ang nagsabi sa Lucas 17:28-30 na ang kapanahunan ng Kanyang muling pagbabalik ay katulad ng panahon ng 2 bayang nabanggit sa Genesis 18:20, ang Sodoma at Gomorah. Paano nga ba ilalarawan ang panahon ng Sodoma at ihahalintulad sa ngayon? Binanggit ng Genesis 18 at 19 na ang 2 magkalapit na lungsod na ito ay sukdulan na ang kasamaan at kahalayan na siyang dahilan kung bakit sila ginunaw  ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakatupok. Ang pinakatalamak sa Sodoma na siya ring lumalaganap sa panahong ito na nalalapit na ang pagbabalik ni Hesus ay ang kasamaan ng kabaklaan. Lantaran at garapalang kabaklaan. Sa Genesis 19:5 ay naitala dito na pati mga anghel ng Diyos ay gustong gawan ng kalaswaan ng mga tagasodoma. Sa panahon natin ngayon, garapalan na rin ang kabaklaan at para bagang ito ay natural na lang. Katulad ng nakasaad sa Filipos 3:19, "ang mga bagay na dapat ikahiya ay ikinararangal pa!" Bakit nga ba dumarami ang mga binabae at mga tomboy sa ngayon? E ang sabi nga, hindi naman sila nanganganak, ngunit padami ng padami at sa halip na ikubli ang kahihiyan ay inilalantad pa at kinawiwilihan naman ng marami. Indikasyon lang ito na nandito na nga tayo sa huling panahon na sinasabi ng Biblia.Noong mga mga nakalipas na 20, 30, o 40 taon meron na bang mga personalidad na kilala at kinagigiliwan ng lipunan katulad nina Vice Ganda, Boobay, Boy Abunda, Allan K. at marami pang iba.

    Sabagay ang mga personalidad na nabanggit ay wala namang ibang hangad kundi ipakita ang kanilang mga talento at kumita ng pera, nagkataon naman na sila ay klik na klik sa mga tao at sa unang tingin ay hindi sila kasingsama ng mga tagaSodoma na mapangahas na ipakita ang kanilang kabaklaan. Ngunit isa ang malinaw, ang garapalang pagsalungat sa kalooban ng Diyos na luwalhatiin Siya sa pamamagitan lamang ng 2 uri lamang na tao na Kanyang nilalang, isang lalaki at isang babae. At kung ang isang lalaki ay lumihis sa pamantayan na pagiging ganap na lalaki ay isang matinding paglapastangan sa Diyos, gayon din naman ang babae. Ang paglihis sa orihinal na disenyo ng Panginoong Diyos ay karumaldumal at isang pagsasalaula. Ang mga kasalaulaang ito ay kabilang sa mga tanda na babalik na nga ang Panginoong Hesus. Nais kong linawin: ang mga binabae at tomboy ay kabilang sa labis na minamahal ng Diyos, kalooban ng Panginoon na sila ay iligtas at palayain sa kanilang kinasadlakan, ngunit kailanman ay hindi kinukonsenti ng Diyos ang kabaklaan, katomboyan at anumang porma ng kalaswaan at kahalayan. Sapagkat ang mga ito ay hindi galing sa banal na Diyos kundi sa diyablo na laging kumakalaban sa disenyo ng matuwid na Diyos.


  Katanggap-tanggap ba sa Panginoon ang ginawang paglaladlad nina Rustom Padilla at Charice Pempenco? (Abangan sa susunod na mga pagtatalakay.)


    Ano ang Panganib sa sinusubaybayang ngayon na My Husband's Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Dennis Trillo at Kuh Ledesma? (Abangan sa mga susunod na mga pagtatalakay.)




Panawagan Para sa Matinding Panalangin Habang Paparating na ang Panginoong HESUS


    Ipinauna ng Bibliya na isa sa indikasyon na malapit nang dumating ang Panginoong Hesus ay ang pagtalikod ng mga dating sumasampalataya. (1Timoteo4:1) Dati ang mga tumatalikod sa pananampalataya ay nawawala na o hindi na nakikita sa mga kristiyanong pagtitipon. Ang nakakalungkot na katotohanan, ay marami pa ring aktibong dumadalo sa mga Lingguhang pagtitipon ngunit nasa kalalagayang tumatalikod na sa pananampalataya. Paanong masasabi na ang isang palagian namang dumadalo ay tumatalikod na pala sa Panginoon o sa pananampalataya? Ito ay kung ang yung dumadalo ay hindi na nanalangin araw at gabi at ang batayang ito ay makikita natin sa Lucas 18:7-8. Inihayag ng Panginoong Hesus ang isang pag-aalala ng sabihin Niya: "Ngunit pagdating ng Anak ng Tao (si HESUS) sa daigdig na ito, may makikita kaya Siyang nananalig sa Kanya?". At ang batayan ni Hesus sa mga nananalig sa Kanya ay ang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw at gabi. Ang paalalang manalangin ng walang humpay ay panawagan na ng Diyos sa mga hinirang sa lahat ng panahon, "Maging matiyaga sa panalangin!" (ITesalonica5:17). Ngunit nakatitiyak ako na ang pinakamahigpit at pinakamalakas na panawagan sa mga hinirang na manalangin araw at gabi ay sa panahong ito, kung saan talagang napakalapit nang bumalik ang Panginoong Hesus! Bakit? Bibigyan ko kayo ng 3 kadahilanan.

1.Matinding hatak ng tukso at pagpukaw ng laman sa huling kapanahunan. Batbat ng maraming elemento na nakapupukaw ng laman ang mga huling araw. Sinabi pa nga ng Bibliya na marami sa ngayong ang dinidiyos ay ang mga hilig ng laman.(Fil3:19) Naglilipana ang mga nakakatukso sa paningin (t.v., internet, gadget, bisyo, barkada, atbp.) at mga alok para sa kasiyahan ng laman. Mahigpit ang babala ng Bibliya na ang pagkakalulong sa laman ay katumbas ay kamatayang espirituwal.(Roma8:5-8) Malinaw ang solusyon na inihayag ng Panginoonh Hesus upang mapagtagumpayan ang tukso- MANALANGIN!(Mateo26:41)

2.Umaatikabong labanang espirituwal sapagkat kulang na ang panahon ng diyablo. Sinabi ng Bibliya sa Pahayag 12:12 na naghuhuramentado na ang diyablo sapagkat konting panahon na lang ang natitira sa kanya. Doble-doble at grabeng pwersa niya ang iniuumang sa mga hinirang at ang nakakalungkot maraming mga perwisyo niya ang hindi nailagan ng mga mananampalataya. Ang mga anak ng Diyos ay mga mandirigma ng Diyos, at ang kawal upang magtagumpay ay dapat taglay ang kasuutan bilang mandirigma. (Efeso6:14-17). Hindi kalooban ng Diyos na ang bayan Niyang susunduin ay tadtad ng sugat, pasa, o bugbog at perwisyo ng diyablo, sa halip isang matikas na mananagumpay. Isang kapamaraanan lang upang maisuot natin ang kasuutan ng espirituwal na kawal at durugin ang kaaway ito ay ang- MANALANGIN! (Efeso6:18)

3.Pagdagsa ng mga alalahanin at maraming pangangailangan. Ipapahintulot din naman ng ating Panginoon na ang mga hinirang ay malagay sa mahihirap na sitwasyon at mga mahigpit na pangangailangan sa panahon na talagang napakakritikal. Ipinauna na ito ng Panginoon sa Juan 16:33 at 2Timoteo3:1. At sa bawat pagkakataon na kailangang-kailangan ng mga hinirang ang mga pabor at himala ng buhay na Diyos isa lang naman ang dapat gawin- MANALANGIN! (FIL.4:6)

  Sa pangkalahatan, lalo kung nauunawaan kung bakit dapat talagang manalangin ang mga totoong nag-aabang sa Panginoon Hesus- nais ng Panginoon na mapagtibay ang relasyon ng Kanyang bayan sa Kanya. Ang isang mapanalanginin ay masyadong malapit sa Diyos. At yun ang nais Niya ang masolo ang Kanyang minamahal upang mapagtibay ang isang makatotohanang relasyon ng pagmamahalan. Ang paglaho ng pag-ibig ay ang pagkawala rin ng pag-uusap o komunikasyon. Malapit na malapit at laging nag-uusap ang dalawang nagmamahalan. Alalahanin natin, ang pagbabalik ni Hesus ay hudyat ng isang kasalan.(Pahayag19:7-8). Ang dalawang nagmamahalan na malapit nang ikasal ay laging nag-uusap.