Maraming kaganapan o nangyayari sa kasalukuyan ang una nang inihayag ng Bibliya bago pa dumaan ang daan-daang taon. Ang pag-alagwa ng karunungan ng tao upang makalikha ng imbensiyon at teknolohiya lalo na sa larangan ng kompyuter ay una nang inihayag ng Daniel 12:4. Isa pang tiyak na mangyayari (sapagkat ito ay ipinauna na ng Bibliya) ay ang panahon na lahat ng tao na gustong magnegosyo, magbenta/bumili at lahat ng usapin na may kinalaman sa pananalapi ay dapat magkaroon muna ng tatak upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang transaksiyon. Ayon sa Pahayag 13:16-17,
"Sapilitang pinatatakan ng halimaw, sa kanang kamay o noo, ang lahat ng tao-dakila at aba, mayaman at mahirap, alipin at malaya. At walang maaring magbenta o bumili maliban na may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon."
Gaano na nga tayo kalayo o kalapit sa nasabing magaganap na kondisyon ng lipunan? Suriin natin ang isang proseso na matagal nang nagaganap lalo na sa karamihan ng mga progresibong bansa. Karaniwan sa mga mamamayan ng mayayamang bansa ay namimili, namamasyal at gumagawa ng mga transaksiyon nang halos wala nang dalang pera. Bakit?
Sapagkat ang pera nila ay nakarekord na lang sa isang tarheta(kard) na binabasa ng isang kompyuter gadget. Ang card na ito ay nababawasan o nadadagdagan depende sa transaksiyon nila sa banko. Halos ito ay nasusubukan na rin natin dito sa Pilipinas.
Sinuman ay pwede nang sumakay ng tren kahit walang pera basta meron lang Lrt card na mabibili sa halagang isandaan at magagamit na sa 7 biyahe ng tren. Ang card na isinuksuk sa entance ng tren upang makapasok ay siyempre may tatak!
Sa katunayan, ang Pilipinas ay nahuhuli na sa modernisasyon sa aspetong ito ng teknolohiya kung kaya laman na ng mga balita ang pag-aagawan ng 2 dambuhalang negosyante (AF Consortium at SM Consortium) patungkol sa tinatawag na Single Ticketing. Ang makakakuha ng kontrata ang siyang mamahala sa pagbebenta ng LRT card. Bakit sila nagkakadarapa sa kontratang ito? Ang dahilan ay sapagkat hindi lang entrance card ng tren ang sasakupin nito, pati na rin ang mga card sa mga bagong ilalabas ng modernong bus, sa mga transaksiyon sa mga mall, grocery at department store.
Higit sa lahat, ikokober na rin nito ang mga ATM transaksiyon sa bangko. Ang katumbas nito ay ang Octopus card na matagal ng ginagamit sa ibang bansa, katulad ng Singapore. Ano pa ang kakaiba sa card na ito. Lantarang inihahayag sa mga balita na ang card na ito ay nagtataglay ng RFID!
Ano ang RFID? Ang RFID ay pinaikling tawag sa Radio Frequency Identification. Ano ito at ano ang kinalaman nito sa pagtatak? Ang gamit nito ay katulad ng "barcode"! Nalalaman ng mga teller sa mga grocery at department store ang halaga ng paninda kapag itinatapat nila ang gadget(scanner) sa barcode. Ngunit ito ay higit pa sa barcode, meron na itong sangkap na teknolohiya (na matatagpuan sa mga radyo at telepono), ang transceiver at antena kung saan ito ay nakakatanggap at nagpapadala ng mga impormasyon kahit pa ang computer gadget (scanner) ay nasa layong 30 metro. Ito ang malinaw na nagaganap ngayon, lahat ng card na may kinalaman sa pananalapi ay pag-iisahin upang magkaroon ng modernong card na may RFID.
Kapag ang Pilipinas ay sumasabay na sa Octopus card ng ibang bansa ito ay kaagad na magkakaroon ng ng mga dagliang pagbabago na sasang-ayon sa programa ng isang lihim ngunit makapangyarihang samahan na siyang may-akda ng lahat ng ito upang kontrolin at pag-isahin ang lahat ng tao upang tatanggapin at kilanlin ang isang personalidad na inihahayag ng Bibliya-ang Antikristo!
Tingnan natin ang prosesong mangyayari....
Ang Global Access card ay hindi rin mananatili sapagkat lilitaw agad na may mas mainam pa kaysa dito. Kapamaraanang hindi mawawala, mananakaw o mapepeke.
Napakahalagang panawagan:
Tanggapin ang totoong HESUS, ang Anak ng Diyos na nabayubay sa krus ng kalbaryo upang akuin ang kasalanan ng sangkatauhan sa ating mga puso sa pamamagitan ng seryosong pananampalataya na nilakipan ng tunay na pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Pakatiyakin natin na talagang konektado tayo sa Kanya at SIYA na ang lahat-lahat sa ating mga buhay at ito ay pinagtitibay ng BANAL NA ESPIRITU na taglay ng mga totoong pinatawad at iniligtas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento