Mga Uod at Insekto sa Misteryosong Sakit sa Pangasinan
Sinasabing ito ay isa sa mga kaganapan ng mga inihula ng isang banyagang 'propeta' kung saan ang ilan sa mga inihula niya katulad ng mga lindol sa kabisayaan at teribleng bagyo (Yolanda) ay nagkatotoo.
Ayaw ko nang magkomento sa kredensiyal ng propetang ito kung siya nga ay tunay na lingkod ng Diyos o kabilang sa ranggo nina Nostradamus, Madam Auring o Jojo Acuin. Sapagkat sapat na sa akin ang inihula ng Bibliya na ang mga misteryosong sugat na ito ito ay ipinauna na ng banal na kasulatan na magaganap sa panahon ng walang katulad na kapighatian! Ang mga sugat na ito ay nasa Pahayag 16:2 at Pahayag 16:11. Ang mga nakakakilabot na mga sugat na daranasin ng maraming tao sa 7 taong kapighatian ay "umaambon" na sa ilang taga-Pangasinan!

Kasabay ng kaganapan sa Pangasinan ay isa ring palatandaan ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoong Hesus- ano ito? Matapos ibalita ng isang istasyon ang pambihirang sakit na ito ay kaagad din namang pinabulaanan ng iba't ibang news agency at sinasasabing: WALANG DAPAT IKABAHALA! WALANG PAMBIHIRANG NANGYAYARI!. Indikasyon ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoong ay mga kapahayagan na walang dapat ipangamba ang mga tao; "Everything is under control!" "Payapa! Pumayapa kayo!" "Huwag kayong matakot, okay lang naman ang lahat!" Maaalarma nga naman ang mga nasa pamunuan ng nasabing lalawigan na baka wala ng pumunta sa kanila at sila ay maging katatakutan na ng mga karatig pook. Maging ang ating bansa ay alerto na huwag palaganapin ang impormasyong ito sa alalahaning baka wala nang turistang dumalaw sa atin. (Ano na nga ba ang lagay ng mga dinapuan ng sakit, nadagdagan ba sila? Paano na natin malalaman ang totoong sitwasyon?) May babala ang Bibliya patungkol sa pagbababalik ng Panginoong Hesus; nasa 1Tesalonica5:3- Kapag sinasabi ng mga tao Tiwasay at panatag ang lahat", biglang darating ang kapahamakan!
Nandito na tayo sa panahon na sa kabila ng mga nakaambang kapahamakan ang mga tao ay walang pakialam. Kung hindi man mistulang manhid na ay ninanamnam na lang ang iba't ibang aliw at sarap na ibinibigay ng sanlibutan at hilig ng laman. Isa sa nakikita kong layunin kung bakit ipapahintulot ng Panginoon ang mga "ambon at usok" (kalamidad, traahedya,karamdaman) na ito ay upang yugyugin ang kamalayan ng mga tao upang matakot nang sa gayon ay lumapit, tumawag at magpasaklolo sa TUNAY AT BUHAY NA DIYOS, ANG PANGINOONG HESUS NA SIYANG TUNAY NA TAGAPAGLIGTAS AT NAGBIBIGAY NG TOTOONG KAPAYAPAAN!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento